Lunch time na at magkasama pa rin kami ni Lincoln. Hindi ko nga alam kung bakit nakabuntot 'to sa 'kin, eh. Tsk. "Saan ka ba talaga pupunta? Ang sakit na ng paa ko," reklamo niya niya sa akin kaya inis na hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Wala akong sinabing sumama ka sa 'kin," nagpipigil kong sagot. "Back off!" Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa cafeteria. Naramdaman kong nakasunod pa rin siya sa 'kin kaya hinarap ko ulit siya at binigyan ng isang masamang tingin. "What the hell?" mahina pero inis na inis na sabi ko sa kanya. Tinawanan lang naman niya ako. "Bawal na ba akong magpunta ng cafe?" nanunuya pa niyang sinabi. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. What the hell is he thinking? Bakit ba binubwisit niya ako? Umupo ako sa isang table at umub-ob. Ila

