Isa-isa nang nagbalikan sa akin ang ilan sa mga memorya ko noong bata ako. Isa sa mga 'yon ay ang pagpilit kong pumasok sa isang academy dahil hindi ako pinapayagan na lumabas ng mansyon at mag-aral ng aking ama. Still, I forced my way in into the school. Lakad lang kami nang lakad kasama ang matandang lalaki na napagtanungan ko ng direksyon tungo sa Kumori Academy. Sinabi ko kasi sa kanya na babayaran ko siya kaya mabilis siyang pumayag na ihatid ako hanggang sa gate. At nang makita na naman ang isang kalawanging gate, nahinto kami sa paglalakad at tiningnan iyon na tila ba ini-inspeksyon. Parang hindi naman ganito ang deskripsyon na naririnig ko sa paaralang ito. Pinapalibutan ang tarangkahan ng mga gumagapang na mga halaman. Hindi maganda ang kutob ko rito. "Naligaw yata tayo. Hindi r

