Nagising ako nang dahil sa mahapding pakiramdam ng braso ko. Dali-dali akong napabangon at napatingin sa paligid, inaalala kung nasaan ako at kung paano ako napadpad dito. Ngunit unang bumungad sa akin ay ang maaliwalas na mukha ng lalaking nagligtas ng buhay ko. "You're awake," nakangiti niyang bati sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang nanumbalik sa akin ang lahat ng nangyari. Natuwa rin ako nang maramdamang maayos na ang pakiramdam ko at bumalik na ang lakas ng katawan ko na para bang walang nangyari. "What time is it?" unang tanong ko sa kanya sa namamaos kong boses. Lalo siyang napangiti dahil doon. "Time for you to eat. I peeled some fruits for you," aniya habang may hawak pa rin na isang pulang prutas at isang punyal. Sa kandungan niya ay mga binalatan niyang prutas na nakapat

