Kabanata 26

1029 Words

Habang naglalakad ako sa labas ng opisina ng Atsa Council sapagkat hinihintay ko ang karwahe na inutusan ni Uncle Gramon upang ihatid ako sa Kari Academy, napadaan ako sa lugar kung saan gaganapin ang seremonya nila, sa harap lang mismo ng Atsa Museum. Hindi iyon kalayuan sa opisina ng council. Halos abala ang lahat ng tao roon na mag-ayos ng venue. Naglagay sila ng mga mesa kung saan maaaring umupo ang mga bisita at dadalo ng seremonya. Mukhang mga importante karamihan ang mga iyon dahil talagang pinaghandaan nila ang event na ito. Nawala lamang ang atensyon ko roon nang biglang may nakabanggaan ako. Sa liit at gaan ko ay halos tumalsik ako, ngunit kaagad nahawakan ng lalaki ang braso ko upang pigilan ang pagbagsak ko. Napalingon ako sa kanya at napatitig sa hindi pamilyar niyang mukha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD