Pabalang na inalis ko ang pagkakahawak ni Lincoln sa kamay ko, ngunit hindi naging dahilan iyon upang magising na siya. Siguro'y pagod at walang tulog ang taong 'to kaya ganito siya ka-mantika matulog. Saka ko naalala kung paanong naging magka-holding hands kami ng ugok na 'to. Nalingat ako nang dahil sa pag-uga ng karwahe nang dumaan kami sa mabatong parte. Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga sa braso ni Lincoln. Parehong silang tulog ni Sabby. Babalik na sana ako muli sa pagtulog nang biglang umungol si Lincoln. May mga binubulong siya na hindi ko maintindihan at mukhang masama ang panaginip niya. Nagulat din ako nang makitang sunud-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha kahit na nakapikit siya at tulog pa rin. Kahit na hindi kami magkasundo, nag-alala rin ako sa kanya at sinubuka

