Napabuntong-hininga ako nang may marinig kaming mga yapak hindi kalayuan sa amin. Mukhang galing sila sa nayon at pinatawag sila ng mga guwardiya na nagbabantay sa border para hanapin kami. Tumayo ako at tumapak sa ugat ng puno upang silipin ang mga guwardiya, ngunit nakita kong nakalabas na muli sila sa gubat. Lilingunin ko na sana si Lincoln upang ipaalam sa kanya na pupwede na kaming umalis ngunit isang mahabang talim ang bumungad sa akin. Nakadikit iyon sa leeg ko at any moment ay maaari niya itong laslasin. Narinig kong napamura si Lincoln na nakaupo pa rin sa ugat. Hindi rin siya makagalaw dahil baka ikapahamak ko iyon. Madilim dito sa kagubatan at hindi ko rin makita ang mukha ng lalaking may hawak ngayon sa buhay ko. Pero sigurado ako na hindi siya isa sa mga guwardiya sapagkat

