"So I won?" naibulalas ko at napatalon-talon nang dahil sa sobrang tuwa. I can't believe this! "No. We won." Napalingon ako sa nagsalita at nangunot ang noo ko nang makita si Hansel na nakatayo at nakangiti sa akin. In-emphasize pa niya ang salitang 'we' na siyang ikinalito ko. "We're not teammates?" alangan kong tugon sa kanya na lalong ikinalapad ng ngiti niya. What the hell is going on? Anong ibig niyang sabihing "we won"? "I am the Headhunter. I ended up becoming a villager, so I also won," simpleng tugon niya na ikinalaglag pa lalo ng panga ko. What! Hindi ko naisip na posible iyon! "My target died first night. Simula pa lamang, we were bound to win or lose together." Napakurap ako nang maraming beses dahil sa sinabi niya. Hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong itanong sa ka

