"Werewolves?" sabay-sabay na tanong naming tatlo kay Hansel. Pare-pareho kaming hindi pamilyar sa laro na iyon—or maybe he wasn't actually referring to a game? Nagtataka siyang napatingin sa amin, tila ba nawi-weirdo-han. "Hindi niyo ba alam ang larong iyon?" naibulalas niya nang makita ang kalituhan sa mga mukha namin. Sabay-sabay kaming umiwas ng tingin sa kanya. Dahil siguro ay galing kami sa mayamang mga pamilya, pare-pareho kaming hindi pinapayagang lumabas ng bahay noong bata para maglaro. Kaya si Vinci ay madalas lang din magpunta sa mansyon namin upang makilaro sa akin indoor, pero never outdoor, so wala kaming alam na laro. Sabagay, naalala ko na puro training nga pala ang laman ng childhood days ko. "W-We didn't have time to play that," rinig kong tugon ni Lincoln para sa ami

