Kasalukuyan naming nakabitin patiwarik nina Lincoln at Vinci sapagkat bihag na kami ngayon ng mga tribong nakahuli sa amin. Hindi ko naman alam na ganoon pala kaduwag at ka-weakshit itong mga kasama ko at hindi man lang nakagamit ng gifts nila para manlaban. Ito tuloy ang sinapit namin, although nararamdaman ko na harmless naman ang mga taong 'to. Ang nakakainis pa, pinapalibutan kami ng mga taong may hawak sa amin na mayroong mga armas. Mukhang hinihintay pa nila ang desisyon ng mga elder sa kanila kung ano ang dapat gawin sa amin. Nilingon ko si Lincoln na katabi ko lang din na nakabitin. Masama ko siyang tiningnan. "Akala ko bang genius ka? Bakit tayo nasa ganitong sitwasyon ngayon?" naiinis na bulong ko sa kanya. "What do you expect me to do–buhatin ko kayo?" sarkastiko niyang tugon

