Nagmukmok lang ako sa kwarto ko matapos ang pag-iyak ko nang malala kay Carson. Nakatulog na lamang ako sa mga bisig niya sa sobrang pagod ko at nagising ako na nandito na sa kama ko. Pagkagising ko, bumalik na naman ang lahat ng sakit sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang totoong nangyari sa aming ama. Bakit pilit itinatago iyon sa amin ni Dad? Ano ang mga nalalaman niya? Wala na akong mailuha pa noong mga oras na iyon kaya humilata lang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Wala akong ibang inisip noong mga oras iyon kung hindi ang tungkol sa kaso ng aming ina. My father told us na namatay siya sa aksidente. Hindi nila binanggit sa akin ang buong detalye. Anong klaseng aksidente ang tinutukoy nila? Nahinto lamang ako sa pag-iisip nang biglang mayroong kumatok sa pinto ng silid

