Nandito na naman kami ngayon sa clinic upang gamutin ang mga galos na natamo namin sa rambolan kanina with Lincoln's Fans Club. Si Carson ang naglalagay ng kung anong likido sa mga sugat ko sa binti at braso, pati sa leeg at pisngi, na mabilis daw na magpapawala noon. Yun nga lang, sobrang hapdi talaga na para sinusunog ang balat ko. "This is what I meant when I told you to be careful of the guy, Lincoln," nakasimangot na bulong sa akin ni Carson at nilagyan ng bulak ang tuhod ko na binuhusan niya ng quick-healing liquid. May kalahihan kasi ang sugat na natamo ko roon. Nangunot ang noo ko nang dahil doon. "That was what you meant? Then sana sinabi mo na sa Fans Club, hindi siya mismo," reklamo ko sa kanya dahil ang dami masasamang ideya tungkol kay Lincoln na pumasok sa utak ko. Sa salit

