Nakarating ako sa Saige Mansion nang sobrang aga pa. Linggo ngayon at mina-mandate ako ng aking ama na sumali sa pagsasanay sa mga pinsan ko. Buti na lamang ay may isang oras pa ako para magpahinga. Alas sais kami usually magsimulang magtipon sa aming malawak na bakuran. Inilapag ko ang backpack ko sa ilalim ng kama ko at saka ko ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kutson. Napatitig ako sa kisame at napabuntong-hininga. Everything happens so fast. Nakuha ko ang gusto ko at nakapasok ako sa Kari Academy with my father's help. Isang linggo pa lamang ang nakakalipas at may parusa na kaagad akong natanggap at nakarating pa ako sa Blaire Academy dahil doon. At hindi lang iyon, I made a scene there. Yung paghamon ko sa mga atleta ng Blaire at pakikipaglaro sa kanila—those were just so wrong

