Lumapit sa akin ang lalaking pumana sa akin at saka lumuhod sa harapan ko upang pantayan ang mukha ko. "Long time no see, Presley Saige." Namilog ang mga mata ko nang makita sa harapan ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. Hindi ko kaagad natukoy kung sino siya, ngunit alam kong kilala ko ang hitsurang iyon. Maliit na mukha, maputi, bilugan at mapang-akit na mga mata, matangos na ilong, at mapupulang mga labi na kung ngumiti ay parang wala nang bukas. "V-Vinci?" naibulalas ko nang biglang pumasok sa isip ko ang pangalan niya. Isang malutong na halakhak ang narinig ko mula sa kanya. Liam Vinci, my best buddy when we were kids—a childhood friend! Ngayon ko lamang siya muling nakita after ten long years! Sobrang laki ng ipinagbago niya, pero hindi pa rin nawawala yung traces niya noon

