Nang sumunod na araw ay lumuwas na kami ni Alex. Sooner or later ay kailangan ko na ding harapin si Allison. Nagpaalam ko kay Lola na sa condo muna kami ni Alex tutuloy ng ilang araw.
I’ve been distancing myself from Allison these past few days. Unti-unti ay sinasanay ko na siya sa madadalang na pag-uusap at pagtetext namin. Minsan ay sinasadya ko na rin na hindi sagutin ang tawag niya. Nasasaktan ako kasi alam ko nasasaktan ko siya but this is the first step to prepare her. Walang madaling paraan at alam ko kahit anong ingat pa ng mga sasabihin ko, masasaktan at masasaktan siya.
Sa unang araw namin ni Alex sa condo niya ay wala kaming ibang ginawa kundi maglambingan at paulit ulit na may nangyari sa amin. Nagplano kami ng gagawin namin sa restaurant niya. Isa sa ipinunta ko sa Manila bukod sa pakikipag-usap kay Mr. Madrid ay ang pagcheck sa bank account ko. Gusto kong siguraduhin na may sapat na akong ipon para sa planong kasal namin, sa pagpaparestore ng bahay at sa pagpapatayo ng restaurant ni Alex. Mahirap, pero handa akong ubusin ang savings ko para lang maibigay ang mga bagay na magpapaligaya sa kanya. Malaki na rin ang savings niya kaya gamit ang pinagsamang pera namin, alam ko na maisasakatuparan namin ang mga plano namin in no time. Nagsimula na siyang magcreate ng sarili niyang mga putahe at ako nAman ang tagatikim. Napuno ng kasiyahan ang sumunod pang mga araw nang makatanggap ako ng isang tawag.
“Allison,” sinagot ko ang tawag sa harap ni Alex. Gusto kong marinig niya ang pag-uusapan namin at para makampante siya na wala akong itinatago sa kanya.
“Babe!” Agad na bungad ni Allison. Hindi ko alam kung napapansin na niya na hindi ko na siya tinatawag sa endearment namin.
“Can you come to Singapore? I have news for you. It’s important,” napatingin ako kay Alex na bagaman alam kong nauunawaan niya pero hindi pa rin maiiwasan na may lungkot sa mga mata niya. Hindi ako agad nakasagot.
“You need to know this,babe.” Ani pa ni Allison.
“O-okay. I’ll book a ticket,” tanging naisagot ko. Siguro eto na ang tamang oras para harapin siya at ipagtapat sa kanya ang totoo. Kailangan ko ng tapusin ang namamagitan sa amin ni Allison dahil habang tumatagal ay mas lalo lamang siyang masasaktan.
“Thanks Babe! I need you and I miss you!” Yun lang at ibinaba na niya ang tawag. Nakaramdam ako ng labis na guilt. Oo nakapagdesisyon na ako pero hindi ko maiwasang maguilty dahil alam kong masasaktan ko si Allison. Pero nandito na ako, at nandito na si Alex. Paninidigan ko ang desisyon ko dahil ito ang tama, dito ako magiging masaya. Sa taong totoong mahal ko.
Nang maibaba ang tawag ay siya namang tayo ni Alex at nagpunta sa kusina. Nagsimula siyang hugasan ang mga plato sa sink.
“Love,” tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. Lumapit ako sa kanya at mula sa likod niya mahigpit ko siyang niyakap.
“Galit ka ba?” Malumanay na tanong ko.
Pinihit siya ang mukha paharap sa akin.
“Hindi. Nalulungkot lang ako kasi aalis ka. Mamimiss kita,” malungkot ang boses niya.
“Sandali lang ako din. Baka nga kinabukas umuwi na din ako. Or right after kausapin ko siya ay lilipad na ako kaagad pabalik. Kahit gawin ko pang parang Quiapo lang ang Singapore para lang huwag ka nang malungkot,” patawa ko pero gusto ko lang pawiin ang lungkot niya. Kahit kasi ako nalulungkot din kahit sandali lang naman kaming hindi magsasama.
“Baliw ka talaga!” Natatawang sagot niy sa akin at winisikan pa ako ng tubig sa mukha. Agad ko naman iyong pinahid.
“Pagkatapos ko siyang kausapin at makipaghiwalay sa kanya,babalik agad ako sayo. Then we will start preparing our wedding,” hinalikan konsiya sa pisngi at niyakap pa siya ng mas mahigpit.
“Hindi naman kailangang bongga. Basta sayo ako ikakasal, yun ang importante,” aniya at nagpatuloy sa paghuhugas. Pinigilan ko ang kamay niya at kinuha ang towel sa drawer para tuyuin ang basang kamay niya.
“Kapag nakasal na tayo,yang mga kamay mo hindi ko na bibitawan. I will be your strength, your will, your source of happiness,” Inipit ko ang mga takas na buhok sa kanyang tenga.
“Etong mga labi mo,hahalikan ko araw arawpara pawiin lahat ng problema at masakit sayo,” Nagtanim ako ng halik sa labi niya.
“Etong mga braso ko,” nagflex ako ng muscle na ikinatawa niya. “They were built to protect you. But are also built to give you warmth and shelter,” hinila ko siya papalapit sa akin at muling niyakap.
“Alisin mo lahat ng pangamba sa puso mo,Love. Pangako babalik ako, at tutuparin ko lahat ng mga pangako at pangarap natin,” randam na ramdam ko ang iisang t***k ng puso naming dalawa. Kabisado ko ang pintig ng puso niya at ang pagsagot nun sa pintig ng puso ko.
************************************************
Agad akong nagbook ng ticket and the following day din mismo ay lumipad ako papunta Singapore. Hinatid ako ni Alex sa airport at mahigpit ko siyang niyakap bago pumasok sa departure area. Hindi ko alam pero pakiramdam ko matagal ko siyang hindi makikita kahit baka bukas ay nakabalik na din naman ako sa kanya. Pinahid ko ang luha sa mata niya.
“Hintayin mo ako,babalikan kita”huling sabi ko bago humalik ng mapusok sa kanya. Pinilit ko pang pigilin ang sarili ko dahil baka malate pa ako sa flight. Hintay lang Alex. Bukas,nasa tabi mo na ako at malaya na tayong magmamahalan.
**************************************************
“Babe!” Agad yumakap si Allison nang makarating ako sa pad niya. Wala iyong pinagbago. Kunganong ayos nungumalis ako four months ago ay ganuon pa din ang ayos nito. Yakap niya ako pero init ng katawan ni Alex ang hinahanap ko.
Pasimple akong kumawala sa kanya.
“Kumain ka na ba?” Tanong niya sa akin. Imbes na sagutin siya at nagpunta ako sa glass wall. Kitang kita ang buong city. Pati ang matatayog na katabing gusali ay nakamamanggahang pagmasdan sa kinatatayuan ko. I would’ve love this place,only, Alex is not here. Sa tingin ko ay nag-iba ang kahulugan sa akin ng mga bagay dahil sa kanya. Yung mga bagay na enggrande na kinagigiliwan ko noon, like the amazing buildings in Singapore, outstanding structures in Dubai, lahat yun hindi ko na makitang maganda kasi hindi si Alex ang kasama ko. Ang bahay namin sa Laguna, ang condo unit niya—- mas maganda na sila ngayon para sa akin. Kasi sa mga lugar na iyon, siya ang kasama ko.
“We need to talk,” Hindi ako lumingon kay Allison pero alam kong ang mgamata niya sa nasa akin. Nagihirapan akong maghanap ng tamang salita kasi wala yatang tamang salita kapag nakikipaghiwalay ka eh. Lahat mahirap, lahat masakit.
“I know,” aniya na nakapagpalingon sa akin. Ano ang alam niya? Hindi kaya nakarating na sa kanya ang tungkol sa amin ni Alex?
“Let’s —- let’s b-break up,” pinilit kong alisin ang bara sa lalamunan ko. Sigurado ako sa desisyon ko at sigurado ako sa nararamdama ko. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako masasaktan. Matagal at malalim ang pinagsamahan namin ni Allison. Nawala man ang pagmamahal ko para sa kanya,pero hindi naman nangangahulugan iyon na hindi ko na papansinin kung masasaktan ko siya. Mahal ko pa rin siya pero sa ibang paraan na ngayon.
“W-what!?” Naguguluhan ako sa expression ng mukha niya. Ang akala ko ay alam na niya pero parang magkaiba kami ang tinutukoy.
“Why?! Why now Justin?!” Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya at tumaas ang kanyang boses.
“I’m sorry Allison. Hindi ko sinasadya!” Paliwanag ko. Akala ko ay handa na ako pero masakit pala na makitang nasasaktan ang babaeng minsan ay minahal at naging malaking bahagi ng buhay mo.
“May iba ba? You met someone?!” Lumapit siya ng ilang habang sa akin.
“Why now Justin?! Akala ko bababalik ka para makapagpakasal na tayo?! Now you’re telling me you’re breaking up with me?!” Nagsisimula na siyang maghysterical.
“Hindi ko sinasadya but minahal ko siya,” sagot ko sa kanya. Alam kong walang ibang tamang paraan kung hindi ang maging honest sa kanya ang sabihin ang totoo.
“Mas mahal mo ba siya kesa sa akin?” Tanong niya na tila hindi matatanggap ang anumang sagot na hindi papabor sa kanya.
“I’m sorry,” yumuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang naluluha at nasasaktan niyang mga mata. “I love her so much,” halos pabulong ko nang sagot.
Nagsimula nang pumalahaw ng iyak si Allison.
“Why now, Justin?! You can’t leave me! Ngayon kita mas kailangan! Hindi ko ‘to kakayanin nang wala ka!” Patuloy na pag-iyak niya. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin dahil mas nauuna ang malakas na paghikbi niya kesa sa maayos na pagsasalita.
“I’m sorry Allison, I’m sorry,” gamit ang paos na boses ay humingi ako ng tawad. Habang buhay akong magsisisi na sinaktan ko siya. Pero hinding hindi ko pagsisisihan na minahal at pinili ko si Alex. Siya ang buhay ko.
“No! You can’t do this to me! Not now that I need you the most!” Sigaw niya at marahas na tumayo. May kinuha siya sa drawer na dokumento. Iniabot niya yun sa akin at hindi ko mawari kung bakit malaking bahagi ng pagkatao ko ang nagsasabi na huwag kunin ang envelope na yun sa kanya. Pero sa huli ay wala akong nagawa dahil inihagis niya yun sa akin.
Binuksan ko ang mga iyon ang nagsimulang basahin. LABORATORY TEST RESULTS. Malinaw na nabasa ko ang malalakjng letra. Pinag- aralan ko ang mga iyon at kahit hirap akong umunawa sa gulo ng isip ko nang mga panahon na iyon ay malinaw sa isip ko ang pinagdadaanan ni Allison.
“Four months,” sambit ni Allison. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak at tinititigan ang hawak kong mga papel.
“You can’t leave me now,” mariing saad ni Allison at lumapit sa akin. Niyakap niya ako habang ako’y parang nanigas sa kinayatayuan ko.
“Please don’t leave me Justin. Mas kailangan kita ngayon. Please...let’s fix this. Hmmm?” Hindi ko magawang sumagot sa kanya dahil sa mga oras na iyon isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Bakit ngayon pa? Bakit? Alex? Papaano siya? Paano na ang mga pangako ko sa kanya? I’m sorry Alex. I’m sorry...”
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.
Credits: Hanggang Dito Na Lang
Song by TJ Monterde
Akala ko'y habang-buhay tayo
Akala ko'y hanggang dulo
Kay haba pa ng kalsada
Dito na ba tayo bababa?
Kung ganito na nga ba'ng usapan
Kung dito na ang hangganan
Dapat sigurong iwasan
Ang mga minsang kamustahan
Mga nakasanayan
Dapat nang kalimutan
Upang 'di tayo magkasakitan
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago o ako, o tayo?
Baka tayo?
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
'Wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang
Author’s Note:
This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.