Chapter 32

1221 Words
ALEX MADRID I received a message from Justin that he safely arrived at Singapore. Tumawag siya sa akin at kinamusta ako. Of course I told him I miss him but said that I’m okay. Gusto kong kahit papaano ay mapagaan ang nararamdaman niya. Alam kong mahirap ang gagawin niyang pakikipaghiwalay kay Allison kaya kailangan na hindi ako dumagdag sa mga alalahanin niya. Isa pa, nangako siya. He promised that he will be back in no time. Bukas nandito na siya— yan ang pangako niya. But the following day, walang dumating na Justin. Wala rin ang nareceive na tawag or message man lang. maghapon akong nakaabang sa cellphone ko dahil ayokong mamiss ang tawag niya. Pero wala, wala pa din. Nagsimula na akong mag-alala kaya nagpadala na ako ng messages at sinubukan ko din siyang tawagan pero wala kahit anong response. Ilang gabi akong umiiyak dahil sobrang namimiss ko na siya pero pilit kong itinatanim sa isip ko na tutuparin niya ang pangako niya. He will come back to me, he will be back for me. Gumagawa ako ng mga dahilan sa isip ko. Baka nahirapan siyang makipaghiwalay kay Allison kaya kinokondisyon pa muna niya ang isip ni Allison. Baka may inaasikaso lang siyang ibang bagay para sa aming dalawa. May mga properties siyang iniwan sa singapore. Baka dinidispose niya na muna yun kasi sa Pilipinas na kami titira kaya kailangan pa niyang magtagal doon. Nauubusan na ako ng dahilan. Nagliligpit ako ng mga gamit niya nang makita ko ang isang papel. Mukhang bill utility bill iyon at nakalagay ang address niya sa Singapore. Nabuo ang isang ideya sa isip ko. I will go to Singapore. Susundan ko siya para tulungan siya sa mga ginagawa niya dun. Alam ko kailangan niya ako kaya ako na mismo ang magkukusang sumunod at tumulong sa kanya. Agad akong nagbook ng flight at nag-empake. Kinabukasan ay lumipad ako papunta sa Singapore. I’ve been there several times for a vacation kaya medyo familiar na ako sa lugar. Agad kong hinanap ang address na nasa bill ling statement ngunit walang tao doon. Kanina pa ako nagdo-doorbell pero wala pa ding nagbubukas ng pinto. Unattended din ang cellphone ni Justin at kanina ko pa hindi matawagan. Naupo na muna ako sa tapat ng pintuan niya dahil sa pagod at jet lag. “Excuse me,” napatingin ako sa nagsalita. “Are you waiting for Justin?” Tanong ng lalaki in english pero ang accent ay Singaporean. “Y-yes!” Tumayo ako kaagad at nakipagkamay sa kanya. “I’m Alex,” pakilala ko at nakipagkamay naman siya. “Do you know where I can find him?” Tanong ko. Umaasang maituturo niya kung ang kinaroroonan ni Justin. “Oh! You’re a Filipino too,” ngumiti siya. At tumango naman ako bilang pagsang-ayon. “I saw him a while ago at the restaurant in front of this building. May be he’s still there. You can go check now,” aniya at walang atubiling nagpasalamat ako sa kanya. Dala ang maliit na luggage ko ay dali dali akong sumakay ng lift at halos takbuhin ko na ang kalsada makapunta lang sa restaurant na sinasabi ni kapitbahay ni Justin. Palinga linga ako kasi hindi lang pala iisang restaurant ang nandoon. Isang hilera pala iyon. Tumingin tingin ako sa paligid namg maigi dahil ayokong baka malampasan siya ng tingin ko. Pagod na ako mula sa biyahe. Nakakaramdam na din ako ng pagkahilo nitong mga nakaraang araw pero iniidna ko yun kasi baka sa puyat lang at sa sobrang pag-iyak. Hingal na hingal ako at napayuko na ako dahil sa sinag ng araw na tumatama at nakakasakit sa mata ko. Nasaan ka na ba Justin? Tanong ko sa sarili ko. Saan ba kita hahanapin? Ilang minuto na din ako palinga linga nang mapagdesisyunan kong bumalik na lang sa apartment ni Justin at dun na lang maghintay sa kanya. Tumayo na ako at akmang maglalakad na palayo nang marinig ko ang isang boses. “Justin! Wait for me!” It was loud and clear. Napalingon ako at walang pagsidlan ang saya ko nang matanaw ko sa di kalayuan si Justin. Nakasuot siya ng puting tshirt, maong pants at blue sperry shoes. Napasilid ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Napansin ko na may mga tumutubo ng bigote at buhok sa kanyang mukha. Humaba din ng bahagya ang buhok niya. Ilang araw pa lang pero pansin ko ang mga pagbabago sa kanya. Pero masaya ako, masaya ako na makita siya. Sasamahan ko siya sa pananatili niya dito. Seryoso ang mukha niya nang lumabas siya sa pinto ng restaurant na iyon. Lalapitan ko siya at alam kong matutuwa siya kapag nakita niya ako dito. Ilang hakbang pa alng ang nagagawa ko nang mapahinto ako. “Justin! Babe wait for me!” Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko nang muli siyang tawagin ng isang babae at isinukbit ang kamay sa braso niya. Lumingon lang si Justin sa kanya na walang reaksyon sa mukha na parang ordinaryong bagay lamang ang may yumapos sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ko sa nakikita ko. Justin with another girl. At namumukhaan ko siya. She’s Allison, same features and face I saw on his cellphone wallpaper before. Magkasama sila. Pero ang sabi niya nandito siya para hiwalayan siya? Bakit? Papalapit na sila sa kinatatayuan ko. Dapat ay harapin ko siya at komprontahin. Pero imbes ay natakot ako. Anong laban ? Kung tutuusin ay ako ang nag-agaw. Mali! There must be an explanation Alex! Sermon ko sa sarili ko. Hindi ito magagawa ni Justin sa akin. Mahal niya ako at babalik siya sa akin. Yun ang pangako niya. Imbes na harapin siya ay tumalikod ako at kumubli sa mga taong naglalakad sa tabi ko. Hindi niila ako nakit, hindi niya ako nakita. Ayokong maniwala sa nakikita ng mga mata ko pero—- “Saan tayo sunod na mamamasyal babe?” Narinig kong malambing na tanong ni Allison sa kanya. Sigurado ako siya yun. Tandang tanda ko ang boses. Pero baka mali lang ako. Madaming Pinoy sa Singapore. Pero—- “Ikaw na ang bahala,” parang nasurog ang puso ko nang marinig ang sagot na iyon. It was Justin. Kabisado ko ang boses niya. Ang boses na nagsasabi sa akin na mahal na mahal niya ako, ang boses na nagpapaalala sa akin na kasama ko siya at hindi na ako mag-iisa, ang boses na nangako sa akin na babalik siya, na babalikan niya ako. Napahinto na lang ako sa kinatatayuan ko at ni hindi ko na nagawang maglakad dahil nahilam na ang mga mata ko sa dami ng luha na namumuo doon. Ang sakit! Sobrang sakit! Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko hanggang sa dumilim ang paligid ko at ang tanging huling alaala ko ay ang sobrang sakit na dinulot niya sa puso ko. Credits: Ikaw Pa Rin Song by Juana Nang matapos na'ng mga araw na ika'y sa aking piling iniibig ka pa rin Nang maglaho na ang sikat ng buwan at araw sa tuwing magdamag ikaw pa rin Bakit nga ba 'tong pusong nasugatan Tila nais paring maramdaman tamis ng yakap mo't halik Naaalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa Iyong sinabi't pinangako na nalimot mo na siya At kahit naglaho ka na muling sumama sa kanya Sa aking puso ay ikaw pa rin, ikaw pa rin DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Author’s Note: This is a raw/unedited chapter. You may encounter grammatical errors/misspelled words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD