ALEXANDRIA MADRID “Sigurado ka na ba sa pagpapakasal mo kay Drew?” Ilang araw after ng pag-uusap namin ni Justin ay naging matamlay ako. Jasmine didn’t say anything pero ako mismo sa sarili ko ay ramdam ko. Pinipilit ko lamang maging masaya sa harap ni Jazz. Si Drew naman ay mas lalong naging abala kaya halos hindi rin kami nagkikita. “Oo naman,” tipid na sagot ko. “Tss! Parang hindi,” she opposed. Tumabi ito sa akin at bumulong. “Girl, hindi lang ito ang recipe sa marriage ha!” Aniya sabay turo sa ulo ko. “Dapat malaking bahagi din ‘to,” she added then pointed at my heart. Hindi ko siya pinakinggan at lumayo sa kanya. Pinili ko na lang abalahin ang sarili ko sa pag-aayos ng mga display cakes sa estante. Hindi na rin ako inabala pa ni Jasmine. I heard her talking to a customer about a

