ALEXANDRIA MADRID “Sis, kanina pa nagri-ring yang phone mo. Wala ka bang balak sagutin?” Tinitigan ko lamang ang cellphone ko at hindi pinansin si Jasmine. Hinayaan ko lang itong magring ng magring. Lumapit si Jasmine at sinilip kung sino ang caller. “Ay sus… akala ko ba past is past? E bakit hindi mo masagot ang tawag ng ex mo?” May halong pang-uuyam ang boses ni Jasmine. Ang totoo ay simula nung manggaling kami sa bahay nila sa Laguna ay tawag na siya ng tawag. Gusto niyang magkita kami at mag-usap. I don’t know his reasons. At kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit natatakot akong makipag-usap sa kanya. Basta ang sigurado ko lang, mas maraming tanong ang lalong nagpagulo sa isip ko pero natatakot akong harapin at marinig ang mga dahilan niya. Or maybe I am scared

