RIA’s POV “Tonight?” Nasa kabilang linya si Drew at sinabihan ako kailangan naming magkita mamayang alas otso ng gabi. Kababalik lang niya galing sa one week business trip niya sa Europe at ito ang unang beses na magkikita ulit kami after a week. Maglilimang taon na kaming nmagkasintahan at sa loob ng limang taon na yun, he did nothing but good things to me. “Yes, hon. Sorry hindi na kita masusundo dahil didiretso na ako diyan galing sa airport. “Pwede naman tayong magkita sa ibang araw. I know you’re tired m,hon. Magpahinga ka na muna,” paalala ko sa kanya. Drew is a workaholic man. Lahat ng kaya niyang ma-accomplish sa isang araw ay pipilitin niyang tapusin. Nung una ay nahahandle niya lahat,pero simula nang maging CEO na siya ng company ay kaliwa’t kanan na ang mga trabaho niya at pa

