JUSTIN ARCEO "F*ck!" hindi makapaniwalang napamura si Leo. Sa bar ako dumiretso upang magpakalasing. Dirediretso kong tinutungga ng bote ng malamig na beer. Hindi ko na alam kung nakailang bote na ako. Basta ang alam ko, hindi pa rin mabura ng alak ang sakit na nararamdaman ko. "T*ng-*** naman! Pagkaliit naman ng mundo. Sa tagal mong naghanap, makikita mo nga siya pero ikakasal na sa iba," sabat naman ni Rick. Ayoko sanang pakinggan ang mga sinasabi nila pero wala eh, tama sila. Sino ba naman ang mag-aakala na ang fiancee' ng bago kong kliyente ay ang babaeng matagal ko nang hinahanap at inaasam na makita. Nakakap*t*ng- ina nga naman talaga! " Eh anong plano mo ngayon? Papabayaan mo na lang ba?" Tanong ni Albert sa akin. Hindi ako nakasagot. "Dude, ikakasal na 'yung tao. Ano pa ba

