"Advance Happy Birthday, Esang!"
Napapikit ako nang mariin habang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga ginawa at sinabi ni Jiro simula pa kagabi hanggang ngayon.
His words are contradicting his actions. Sometimes i can feel his warmth then bigla biglang magiging si Elsa.
"Happy legality, Tori. Pwede na," Gab said as she handed me a paper bag. She's smiling widely while handing it to me, then she took a seat.
I bit my inside cheeks while staring at her. "What?" She asked when she saw me staring at her.
"Nothing." I shook my head at umayos na ng pagkakaupo, saktong pagpasok ng instructor namin sa UTS. Sa isang iglap ay nanahimik ang mga kaklase ko dahil alam nila kung gaano ka-strict si Ma'am at ayaw na ayaw nito ng mga nonsense na ingay.
Matapos naming bumati ng 'goodmoring' ay nagsimula ng mag-attendance si Ma'am. I quikly raised my hand and said 'present' when she called my surname. Then my attention shifted on the paper bag in my desk.
I just rolled my eyes nang mapansin kong puno ito ng staples. Minsan talaga ang sarap yakapin ni Gab, yakapin sa leeg ng sobrang higpit.
Inisa isa kong kutkutin ito at tanggalin habang busy pa si Ma'am sa pag-aattendance. Napabuntong hininga na lang ako nang maubos ko ng tanggalin ang staples.
"Tangina?" I whispered exaggeratedly when i saw what's inside the bag.
"Ms. Chavez?" Mabilis na isinara ko ang paper bag at lumingon sa harap nang tawagin ang pangalan ko.
"Yes, Ma'am?" Kabado kong tanong while having a staring contest with my instructor.
"Get out of my class."
"Po?" My eyes widened.
"You're busy with something else and it looks like it doesn't have a connection with my class. So, get out."
Bagsak ang balikat at tahimik na lumabas ako ng classroom gaya ng utos ni Ma'am. But before i went out, tinapunan ko muna ng tingin si Gab na nakangisi. Then she mouthed 'Sorry' na halatang may pagka sarcastic.
Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatambay dito sa may student lounge at inaantay ang next period. Nakatukod ang siko ko sa lamesa at sapo ng palad ko ang pisngi ko habang masamang nakatingin sa paper bag na nasa harap ko.
Tanginang pa-birthday 'to ni Gab, pahamak.
"Na-late ka rin?" Mabilis na umangat ang tingin ko mula sa paper bag patungo sa taong nakatayo sa may gilid ko. Si Rome. I lazily stared at her. She's sweating so much at naghahabol ng hininga.
"Nakakabadtrip yung alarm ko hindi tumunog," saad nito sabay paikot ng mga mata nya at umupo sa upuang kaharap ko. Her eyes landed on the paper bag.
"Uy, gift mo? Kanino galing?" My eyes widened as her hand make way to the bag but before she can touch it, nakabig ko na ito papalapit sa akin. At sa kasamaang palad ay napalakas ang pagkabig ko, making it fall from the table and reveal what's inside.
"Condoms?" Tangina mo, Rome. Sagad.
Dali dali kong dinampot ang mga ito at ibinalik sa loob ng paper bag. Para akong tinakasan ng kaluluwa ko nang makita kong sa akin nakatutok lahat ng mga mata ng mga estudyanteng naririto sa student lounge pagtayo ko. Sa sobrang hiya at kaba ay mabilis na dinampot ko ang bag ko at patakbong umalis.
Kunot-noong napaatras ako nang may tumigil na hindi pamilyar na motorsiklo sa harap ko habang nag-aantay ako ng masasakyang tricycle. Napaatras muli ako nang lumingon sa akin ang driver nito.
"Where are you going?" Dinig kong tanong nito. Nanatiling tikom ang bibig ko at handa ang katawan ko sa mga susunod na maaaring mangyari. Aalis na sana ako nang mabilis na tanggalin nito ang suot nyang helmet.
"You look so tensed. Kalma, uy." My mouth went agape when i saw that it's Kuya Kade.
"What the f**k, Kuya Kade! You're here!" Tili ko at mabilis na lumapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit.
"Kuya ka dyan!" He glared at pinitik ang noo ko nang alisin ko na ang pagkakayakap sa kanya. "Pinapatanda mo ako ng maaga, bata."
"Bata ka din dyan! Im a lady now!" I said then i flipped my hair.
Kade Lukas o kung tawagin ko ay Kuya Kade, he is Jiro's brother. Mas matanda sya sa akin ng pitong taon but we managed to build a solid friendship.
He just chuckled. "Yeah, you're a lady now." My brows furrowed a bit nang makita kong may dumaang kakaibang emosyon sa mga mata nya pero agad ring nawala.
"By the way, what are you doing here? Waiting for Matt?" Mabilis na napaiwas ako ng tingin ng banggitin nya si Matt.
"W-we're not together anymore." I said in almost a whisper sound.
"Buti naman! Bakit mo ba kasi pinatulan yun eh di naman kayo bagay. Ang payat payat nun tapos ang laki laki pa ng mata." Napanganga na lang ako sa sinabi nya.
Wow! Grabe mang-lait!
"Since it's your special day, lady, ililibre kita." Agad na nagningning ang mga mata ko sa narinig. "Well, if you're free."
"Super free na free," malaki ang ngiting saad ko na kulang na lang ay magtatalon ako. "Helmet?" I asked habang nakalahad ang kamay ko.
"Wala." Tipid na sagot nito at isinuot na ulit ang helmet nya.
"Ano! Eh pano ako sasama sayo?" Nakamulagat kong tanong.
"Mukha bang nag aangkas ako ng iba sa motor ko?" Pabalik nyang tanong.
"Eh saan mo isinasakay ang mga babae mo?"
"Sa akin, babe. Ako ang sinasakyan nila," saad nito sabay kindat.
"Tangina, kadiri ka!" Sigaw ko sa kanya sabay sapak sa helmet nya. He just chuckled.
Sa huli ay sumama na lang ako sa kanya at umangkas sa motor kahit na walang spare helmet. Kaya naman sabog na sabog ang buhok ko nang makarating kami rito sa may silog-an.
"Sit here. I'll order food for us." I took a seat then i fixed my tangled hairs. Maya maya ay dumating na sya at umupo na rin sa kaharap kong upuan.
Kunot-noo nya akong pinagmasdan sabay hubad ng suot nyang jacket at iniabot nya sa akin. "Suotin mo yan nang hindi ka mahalatang nag cutting," saad nya.
"Hoy, hindi kaya ako nag cutting!" Then i rolled my eyes before accepting the jacket. "Pinalabas lang ako dahil..."
"Dahil?" He asked curiously. Nang maisuot ko ang jacket ay binuksan ko ang backpack ko. Dahan dahan kong kinuha ang 'gift' sa akin ni Gab at ibinigay kay Kade.
Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko nang makita ko ang reaksyon ni Kade nang buksan nya ang ibinigay ko sa kanya. Nang maisara nya ito ay natatawang binalingan nya ako.
"Damn, kiddo. You shouldn't bring things like this with you." He said then he licked his lower lip. Napalunok na lamang ako at umiwas agad ng tingin.
"Niregalo kasi yan!" Depensa ko. "Itatapon ko na dapat yan tapos saktong dumating ka."
Lampas tanghali na nang makauwi kami at matapos sa biglaang food s***h road trip namin ni KK. Nang maibaba nya ako sa harap ng bahay ay nagpaalam na rin sya agad para balikan ang naiwang trabaho. Hindi na nga sya dumaan at nagpakita man lang sa bahay nila.
Nang hindi na sya abot ng paningin ko ay napagdesisyunan kong pumasok na sa loob ng bahay. Saglit na napalingon naman ako sa bahay nila dahil hindi ko pa nakikita si Jiro simula kaninang umaga.
Mabilis na nasapo ko ang dibdib ko nang malakas na tunog ng party poppers ang bumungad sa akin. Kasunod nito ang mahina hanggang palakas na pagkanta ng 'Happy Birthday' song.
Sa sobrang gulat at saya ay hindi ko magawang magsalita at gumalaw. Si Mommy, Rome at Gab lamang ang naririto pero ramdam kong sobrang saya na ng puso ko. Nang matapos ay naiiyak na sinalubong ko ang papalapit na yakap ni Mommy.
"Thank you, 'my." I sobbed.
Its already 6 PM at kakauwi lang nina Rome at Gab kaya naman naisipan kong tawagan si Daddy. Sa Manila na sya ngayon nakatira at nagtatrabaho simula ng mag hiwalay sila ni Mommy nung fourth year high school ako. Nung una ay masakit para sa akin pero kalaunan ay nagawa ko ring tanggapin at respetuhin ang desisyon nila.
"Happy Birthday, Tori." Pangbungad na bati ni Daddy nang mag connect ang video call.
Matamis na ngumiti naman ako. "Thank you, 'dy!"
"How's your birthday so far? Pasensya na at hindi nakauwi ang Daddy."
"Super happy." I said. "Kahit na hindi na dapat kayo nag abala pa sa pa-surprise. I told you diba po, sapat na sa akin ang mairaos ang araw na ito."
"Oh no, anak. It's not my idea na may pa-surprise dahil sabi mo nga ay ayaw mo ng may ganun. It's Lukas's idea." Natutop ko na lang ang bibig ko sa narinig.
"Seryoso, 'dy?" Sunod sunod na tinanguan lang ako ni Daddy at malawak ang ngiting pinagmamasdan ang reaksyon ko.
"Pasensya na ulit, 'nak, but i have to go. May last meeting pa ako in five minutes." Anito.
"It's fine, 'dy."
"Why don't you check your room?" He grinned. "Bye, nak. Love you!"
"Love you too, 'dy!"
Nang maputol ang tawag ay kunot-noong tinungo ko ang aking kwarto. Madilim sa loob kaya naman kinailangan ko pang kapain ang switch ng ilaw at buhayin ito. Saglit na napapikit ako dahil sa pagkasilaw.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang mga nasa ibabaw ng kama. Nakangangang nilapitan ko ang mga ito.
It was a lot of paper bags in different sizes at may isang malaking box na blue na may pa-ribbon pa. There's a letter sa ibabaw nito, so, i took it.
Happy Birthday, Sands. I bought these things because i know how you love them.
–Kade
Ps. Stop calling me Kuya, nakakatandang pakinggan. -_-
Napangisi na lang ako nang mabasa ang last part ng letter. "Fine, di na kita tatawaging Kuya." Natatawang bulong ko sa hangin.
I started opening the bags at halos mapaiyak ako sa tuwa dahil sa mga laman nito. There are different makeup palettes, lipsticks, mga pang skin scare at kung anu-ano pang mga pang ayos sa mukha. Ang ibang bags naman ay iba't ibang design ng mga tops, blouses and skirts ang laman.
My ghad! Sana naman hindi ako nananaginip. Kundi iiyak talaga ako!
Huli kong binuksan ang malaking box na blue. I slowly untied the lace at itinali ko naman ito sa buhok ko. Then my eyes widened and my mouth started watering when the sight of chocolates welcomed me.
Hulog ka talaga ng langit, Kade!
?