Chapter 2

2053 Words
"Miyerkules pa lang pero ang mukha mo pang-biyernes santo na." I quickly looked at Gab when she said something. "Ha?" "Ha? Hype ka! Magsagot ka na dyan!" She hissed at mabilis na tinuktukan ako sa ulo. "Saka mo na isipin ang lalaki mo. Sa ngayon sagutan mo muna yang seatwork na nasa harap mo." I shook my head and i lightly slapped my cheeks para magising ako. I started answering my seatwork when our prof announced that we only have five minutes left. Ganoon ba ako kalutang at hindi ko namalayang nakalipas na pala ang almost twenty-five minutes. Hayst. Luckily, i answered everything and i finished before the time that is given to us ends. Maaga ring natapos ang klase namin. "Sino bang nasa utak mo at lutang na lutang ka?" Gab asked with her furrowed eyebrows then she took a bite on the cookie that she's holding. "Nothing." I sighed. "Nothing daw, eh mukhang ang lakas maka-inspired nung fafa mo. Talagang nakadalawang box ka ng cookies, eh," Rome said. My eyes widened nang makita kong tig-isa na hawak na box ng cookies silang dalawa. "Thank you, ah!" "Ow, s**t!" I cursed sabay face-palmed. Pota, wala na akong maibibigay kay Jiro. Halos nangangalahati na ang kay Gab samantalang ang kay Rome naman ay paubos na. "Grabeng pa 'you're welcome' mo, ah. Malutong na mura, eh," Gab said, "Baka naman labag sa loob mong ipinakain samin ito. Sabihin mo lang, iluluwa ko 'to." "Shunga! Hindi ah! I just remembered something," saad ko at alanganing tumawa. Pinaningkitan naman ako ng mata ni Gab sabay tinaasan ng isang kilay habang itinutuloy ang pag-kain nya sa cookies. I just smiled at her at umiwas na ng tingin sabay pasimpleng bumuga ng hangin. Taena talagang tinginan yan ni Gab, eh. Nakakapamawis ng malamig! When it's lunch time, we went to Gab's house para roon na kumain. Tutal malapit lang din naman ang bahay nila at less gastos. Kaysa dun kami kumain sa may karinderya o kaysa umuwi pa kami, tapos babalik din dahil may sunod pang klase. "Pota! Kunin mo na yung strainer, Rome, bilis!" Taranta kong sabi nang makita kong medyo soggy na ang noodles ng pancit canton. Maingat na inahon ko ang kaserola at dinala sa may lababo. "Matt's leaving— "Ay pota!" I shrieked nang mabitawan ng isa kong kamay ang kaserola. Kaya naman nabuhos sa sink ang halos kalahati ng noodles na nakalagay dito. Natatarantang dinampot ko ang noodles na umuusok sa init at ibinalik sa kaserola. Tangina, mainit! Sayang ang fifteen pesos! Tapos tatlo pa 'to, edi forty five pesos lahat! "Shutangenamers, Tori. Anong pinaggaga-gawa mo sa noodles!" Mabilis na lumapit sa akin si Rome at kinuha na sa akin ang kaserola. Napanganga na lang ako sa ginawa ni Romina. Pota? Sino bang bestfriend nito? Ako o yung noodles? Hello! Ako yung napaso at natilamsikan ng mainit na tubig. Hindi yang noodles, bes! "Jusmiyo marimar! Canton na nga lang niluto nyo tapos dalawa na kayo pero palpak pa rin?" Nakangiwing saad ni Gab habang pinagmamasdan ang canton na sobrang soggy at nagkapuputol-putol na. Automatic na nagka-tinginan kami ni Rome sabay parehas na napakagat sa labi. Wala kasi sya dito nung nangyari yung kanina. "Next time, ako na mag luluto. Baka makita ko na lang putol putol na rin itong bahay namin," Gab said while glaring at us. Sorry na, hanggang pastry lang talaga ang inabot ng powers ko. After eating our lunch we decided to go to the library para magsagot ng assignment namin para sa klase mamayang gabi. Na wala akong kaalam-alam na meron palang assignment. Kung hindi lang nagtanong si Gab ay hindi ko malalaman kahit si Romina ay wala ring kaalam-alam. Ganun talaga siguro ang epekto ng assignment, magkaka-amnesia ka bigla. Before we went to the library ay dumaan muna kami sa may tindahan s***h karinderya na nasa labas lang ng school. Bibili kasi kami ng inumin namin, chuckie para sa akin, yakult kay Romina at dutchmill naman kay Gab. Actually meron namang ganoong tinda sa canteen sa loob ng school. Kaso, napakamahal, akala mo ginto! Ano ba yan, bakit ang tagal ng dalawang yun? Silang dalawa kasi ang bumili kaya naman mag-isa akong naiwanan dito sa labas ng tinadahan. Buti na lang at may upuan dito. I took out my phone from my bag and i opened the f*******: app. When i opened it, post agad ni Matt ang bumungad sa akin. Picture nila ni Chanel ang pinost nya na may pa-caption na mga puso pusong emoji. I smiled bitterly while staring at his face. He looks so happy and...contented. I bit my lip and touched the screen of my phone, tracing his smiling lips. Sana hindi na mawala ang napakagandang ngiti mong yan, Love. "I-yosi mo na lang yan, men!" Mabilis na napa-angat ang tingin ko mula sa phone ko when i heard a familiar voice. I saw Jiro, Owen and Vander, they are walking towards here. Jiro and Vander we're teasing Owen about something. "Tori!" Vander greeted when he saw me, he's smiling from ear to ear as always. Owen just simply smiled at me while Jiro, his happy face suddenly vanished when he turned his gaze to me. At mabilis ding inalis nya ang tingin sa akin. What the heck is happening to him? Magkausap pa lang kami kagabi tapos ngayon ini-ignore na nya ako. Hayst, bahala syang lalaki sya! Bipolar, amputa. "Sana all skin," sabi ni Rome habang nakatutok sa cellphone nya. "Sino ba itong Celine Dizon na 'to?" She asked and handed me her phone. Bumungad agad sa akin ang picture ni Celine. Walang sinabi ang mga picture nya sa itsura nya sa personal. Her features looks so soft and fragile, and she looks like a maniquin na hindi mo gugustuhing hawakan dahil baka mabasag. "Oh, tapos na. Kopyahin nyo na bilis," sabi ni Gab at ibinigay sa amin ang notebook nya. Agad namang kinopya ito ni Rome. "Lemme see her." I gave her the phone at nagsimula na rin akong kumopya ng sagot nya sa assignment sa math para mamaya. "Hey, Gabbie, sure ka bang tama ito? Paano mo nakuha itong number six?" Rome asked for the nth time. While me i just shrugged my shoulders dahil wala akong pakealam kung tama ba o mali itong kinokopya ko. Ang mahalaga may sagot. Gab lightly slammed the table and glared at her. "Isa pang tanong, Romina, ipupukpok ko na 'tong cellphone mo sayo." She warned. Rome made a 'peace-sign' at itinuloy na lang ang pangongopya. "At last, natapos na rin ako! Nakakapagod," I said then i stretched my arms out. "Sure ka? Napagod ka?" Gab sarcastically asked. "Oo naman! Nakakapagod kayang kumopya," i said, smiling sheepishly. She just twitched her lips at binalingan si Rome na katatapos lang magsulat. "Eh, ikaw, Rome? Napagod ka rin ba?" Rome raised her gaze to us, looking so confused. "Napagod magtanong ng magtanong?" "By the way, ano nang nalaman mo kay Celine?" I asked. Gab yawned. "Nothing," she said. Bagsak ang balikat na napasandal ako sa backrest ng chair nang marinig ko ang napaka-interesting na sagot nya. Note the sarcasm! Gez! "Huwaw ah! Ang tagal mong nakatutok sa phone tapos 'nothing' lang?" I muttered in disbelief. "Bakit parang kasalanan ko pa?" She dramatically said. "Cellphone ko ba 'to? Sisihin mo si Romina at naubusan ng load ang cellphone nya!" "Hala! Bakit nadamay ako? Load ko na nga inubos nyo," sabi naman ni Romina. Napahilot na lang ako ng sentido at humalumbaba. Hayst, hayaan na nga sya, tutal hindi naman ako kinakausap o pinapansin man lang ni Jiro-ng bipolar. "I hope na sana sa second semester wala na tayong pang-night class," Rome said. It's 7PM and we just finished our last class for today. Naghihintay na lang kami ng masasakyan pauwi. "Redundant ka, bhie," Gab said sabay pitik sa noo ni Rome. "May hope na nga, may sana pa." I just chuckled while staring at the them. "Sorry naman, sabaw pa ang utak ko sa math." Pabirong inirapan naman ni Gab si Rome. "You should go na, Gab," i said, "Baka hinahanap ka na ng mga kapatid mo." "I told you, I'm not going home hanggang hindi pa kayo nakakaalis," sabi naman nya at sinamaan ako ng tingin sabay pitik din sa noo ko. Aww! Hinayaan ko na lang sya sa gusto nya dahil alam kong mas matigas ang bungo nito sa bato. But, i'm so thankful and touched sa pag care nya sa amin. Kahit na may responsibilities na nag-aantay sa kanya sa bahay nila, nagagawa nya pa ring samahan kaming mag antay ng masasakyan. Hindi daw kasi sya mapapakali hanggang hindi kami nakakauwi ng ligtas. "By the way, 4 na bukas. Anong ganap, Tori?" Rome suddenly asked. I shrugged my shoulders. "Wala naman pero treat ko na lang kayo," i said. "Ayun na si Kuya mo, Rome, oh!" Sabay na napalingon ang dalawa sa direksyung itinuro ko. "So, bye bye na, girls! See you tomorrow!" She said before she went to her Kuya and left. "Sino ba yung Celine Dizon na yun at may pa stalk ka pang nalalaman kanina?" Gab asked, in a serious but interrogating tone. I bit my lip and i awkwardly smiled. "D-do you know Jiro?" I asked. "Jiro? Jiro—who?" She asked back. Alam ko na kung saan 'to papunta. "Si Jiro, yung barkada ni Theo at Tim. Yung laging tumatawag sa akin ng 'Esang'," i said, trying make her remember. "Ahh..." Napangiti naman ako ng mukhang naaalala na nya. "Lalaki ba yun? Kung lalaki yun, sorry ka. Alam mo namang walang available space sa utak ko para sa mga species nila," she said as she shrugged her shoulders. I just pressed my lips together dahil hindi man lang ako nagkamali sa inisip kong kahihinatnan nito. Ano pa nga bang aasahan ko sa babaeng ito? "Nevermind na nga kung sino si Jiro," i said, "To answer your question, sa harap ng bahay nila nakita ko iyong si Celine Dizon." "Eh, bakit ka nasa may harap ng bahay nung Jiro na sinasabi mo?" I held my breath dahil sa biglang tanong ni Gab. I blinked twice sabay ngiti ng alanganin. "W-wala naman. N-napadaan lang kasi nga diba kapitbahay ko sya." I lied. "Ulol ka, bhie." She rolled her eyes. "Sinasabi ko sayo, Victoria, pag ikaw ngumawa na naman dahil sa homo sapiens na may talong, sasabihin ko kina Tita Vina na ipasok ka na sa kumbento." Pota? Ano daw? Homo sapiens na may talong? Tanginang utak 'to ni Gab, kung anu ano na ang pumapasok. Dapat sya ang ipasok sa kumbento, eh. "My ghad, Gab. Kung may balak kang mag madre 'wag mo akong idamay. Ipapalaganap ko pa itong napakaganda kong lahi." I joked then i playfully flipped my hair. "Duh! Kahit naman gusto kong magmadre at isama ka roon, hindi tayo tatanggapin!" She said. "Sa sobrang dumi ba naman ng bunganga natin, especially 'yang utak mo na puro kahalayan ang laman." "Gago! Coming from you?" Napahalakhak na lang kaming dalawa dahil sa mga kagagahan na mga lumalabas sa bibig namin. "Ay talong!" I squealed nang may bumusinang motor sa harap namin. "Hop in." My eyes widened nang makita kong si Jiro ito nang itaas nito ang shield ng helmet nya. Kumunot naman ang noo ni Gab sabay paikot ng mga eyeballs nya. Maya maya pa ay tinanguan na ako ni Gab. "Wear this." Jiro handed me a spare helmet. Sinuot ko naman ito at walang salitang sumakay na sa motor nya. I waved at Gab when Jiro started the engine and drove off. Napayakap naman ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang lamig ng hanging humahampas sa amin. Good thing im wearing a jacket tapos naka slacks pa ako. Another good thing is that, he is not driving too fast because i didn't know if should hold onto him or not. We are not close, so, in the end i choose not to hold to him. "From now on, sasabay ka na sa akin pauwi everytime na may night class kayo," he said when i got off. My brows furrowed. You're confusing me, asshole. "Ahm, t-thank you," i said then i quickly walked towards the door but he called me, so i looked back. He's smiling sweetly. A smile that can melt every girls heart. "Advance Happy Birthday, Esang," ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD