PABLO POV
"Bayaw, sino gang bisita ni itay at kailangan pang ako ang humarap!? Ako'y hindi pa tapos deni eh... " inis kong tugon.
Areng si Kuya Nicolo kasi... Tsk abala ay...
Asawa areh ng ate Phoeby. Nakakatanda kong kapatid.
Tatlo laang kami. Pangalawa ako. At si Junior ang bunso. Menopose baby gah ang tawag doon?
Humabol eiy. Basta yun na yun.
Kanina laang si Empoy ang nangulit sa akin. At hindi pa nga ako'y nakakapagsimula, ay areh nanamang isa.
Binibisita ko kasi areng maisan namin at sa sunod na Linggo ay maaari ng anihin.
Susunod ko sana yung palayan pero dahil si itay ay nagpatawag, ay siyempre, matanda yuon, kailangang sundin.
Ayon sa bibliya , mahalin ang magulang habang nabubuhay. Mahigpit na ipinag-uutos yuon ng Poong Maykapal.
Kaya mamaya ko nalaang itutuloy o bukas na areng pag-iikot.
Pagkaganering may ginagawa pa naman akoy ayaw kong inaabala ako ey...
Ayyyy naku po.
"May mga puting bisita Pablo. Eh si amang ay hindi makapag english. Alam mo na. Kaya kailangang naroon ka. Ikaw lang naman ang marunong at si Junior ey. Eh wala naman si Junior. Eh di ikaw na nga laang. " aniya.
"Abah! Mapapasubo pala ako nitow!!! Abay tara na!! Bukas na laang areh. Sino kaya yung mga puting yuon!? "
"Alay di ko rin alam eiy! " sagot nya.
Iniisip ko kung baka pamilya ni King David. Bigla tuloy akong kinabahan. Baka kasi ipagtabuyan na kami.
Ito yung pangalawang pagkakataon na may dumayo dine.
Nagmadali narin kaming naglakad.
"Bayaw, ako 'y may problema ey!? " -Nic
"Oh, ano gang problema mo!? nangapit bahay ka na!? mapapatay kita!?"
"Ala ey hindi yuon. Akoy matino. "
"Ey anooh!? "
"Basag ang dumi ko ey. Ilang araw na. Ano gang dapat kong gaw-in? "
"Abay nababasag ba ang dumi!? ay kasosyal niyang dumi mo! yaan gah ay piguren!? " biro ko.
"Bayaw akoy seryoso ey, dinadaan mo na sa biro!"
Tingnan mo areng bayaw ko , napakaseryuso sa buhay.
"Nakakabata ang di masyadong seryoso sa buhay. Areh naman... magpahilot ka kay ate, tapos kumain ka na laang ng saging . Yun laang. "
"Kakain ng saging...? eh di titigas naman? kasakit naman dumumi! " - Nic
"Ayyyy pesteng- ay ano gang gusto mo!?"
"Yung sakto laang! "
"Nakakad*monyo ka naman eiy! eh di sakto laang ang kainin mo! " inis kong tugon.
Habang naglalakad nakita namin si Junior sa gubat na dinadaanan namin.
Kaya naman pala di mahanap.
Naandine at naninirador nanaman ng ibon. Pero hindi ata ibon ang tinitira.Teyka laang.
"Junior! Ano gah yaang pinaggagawa ninyo!? " tanong ko.
"Kanina ka pa hinahanap ng inang Junior ey! Deni ka laang pala!!!" si kuya Nic naman na nameywang pa.
"Kuya yung tsinelas ko, sumabit gah. " na itinuro yung tsinelas sa sanga ng puno ng sampalok.
"Ay katanga, ehhh pano napunta diyan ang tsinelas mo!? "
"Eh kuya lumipad!"
"Ayyyy Junior , akoy wag mong pipilusupuhin! Mainit ang ulo ko! " banta ko pero joke laang yuon.
"Eh sa lumipad nga! Aakyat laang sana ako sa puno , ehhhhh di gah natuloy gawa ng, ang daming ants eiy! "
Nakaenglish ang kupal.
" Tapos ayang si Donald at Geyo di ko mapaamin kung sinong nagpalipad ng tsinelas ko!" sumbong ni Junior na itinuro ang dalawa.
"Ohhh!? " tugon ko na tiningnan ko ang dalawa.
"Ay kuya ako po ey! Pasensya na! Natatakam na kasi ako sa sampalok gah kaya tsenelas niya ang naisipan kong ibato. "
Umamin na agad si Geyo. Kagaling.
"Eyyyy kayo mandin... Ay siya, ako na ang bahala! " ani ko at naghanap na ako ng pwedeng ipamato.
"Oh areh! "
Na inabutan ako ni bayaw ng kahoy.
"Bayaw, ay para naman akong may babateren eyyy! " natatawa kong ani sa laki ga naman ng kahoy.
"Gawin mo na laang bayaw at may naghihintay sa bahay. Nakakahiya na at ang tagal na natin deni. "
"Ohhhh areh na. Siyah, kayo'y tumabi tabi at baka kayo ang masapol ko!!! "
Saka ako humanap ng pwesto.
Magaling pa naman ako sa ganire.
Nang makahanap nga ako ng magandang pwesto ay buong pwersa kong itinapon ang kahoy.
"Ay putang *na! Bakit lumihis!?"
Pumalpak! Napasubra ang lakas.
"Tsk! Ah lusot pa eiy! " dinig kong bulong ni Junior.
"Junior ano gah!? kunin mo na ang kahoy dali na! Ah bulong bulong ka pa ey dinig ko naman!" utos ko.
At ito na ngat ibinigay nya uli sa akin ang kahoy.
Nagbago na ako ng pwesto. At tiyak. Sapol na areh.
Huminga muna ako ng malalim at ayaw ko ng mapahiya saka ko ubod lakas na inihagis.
"Ohhhhh!!!! Diba!!!! Sinasabi ko na inyo ehhhh!!! Pumalya laang yung kanina!!! "
At nakita ko si Junior na akma ng kukunin yung tsinelas nya ng biglang tumakbo si Geyo at anak ng-!
Wala ng sabi sabi at nag-uunahan na kaming tumakbo!!!!
Di maaaring tumigil at may mga pulutong ng putakte ang nahabol.
Ikakamatay namin areh!!!! Mga bubuyog!!!! Putang *na!!!! Nadali ko ata ang bahay ng mga bubuyog!!!!
"Inay!!!! " mangiyak ngiyak na tawag ni Junior!
"Inang ko poh!!!! " si bayaw naman.
Akoy wala ng imik. Pabilisan na laang ng takbo!!!!
Wala namang maitutulong si inay pagtinawag ko!
Ang daming bubuyog na yaan!!!! Di ko kakayanin!!!
Wala kaming mapagtaguan ang putang *na!
Mga tarantadong Geyo at Donald yuon, mga runner ey!!!! Di man laang sinabi!!!
Palapit na kami sa bahay.
Kulambo laang ang napasok sa isip ko. Doon ako tatago!!!
"Inay!!!!!! / Inang!!!!
"Amang!!! " sigaw ko.
At deni ko nakita na nagsipagtalunan sila sa palaisdaan. Abay di ko man lamang naisip yuon!
Katalino gah! inunahan pa kami eiiiyyy!!!
Pero tama nga! Tama!!!
Sa tubig at tumalon na kami.
Pero-!!
Saglit laang!
Abay teyka laang talaga hindi na ako makahinga eiiiy!!!
Kapos ang oxygen ko!!!
Putang anak ng kalabaw ayaw pang magsipag-alisan!
Hindi na talaga ako makahinga! Malala pa ay nalitaw ako!!!
Bakit ayaw lumubog ng katawan ko!!!
Wari koy salbabida na akot nalutang!!!
Aray aray!!!! May kumagat na agad sa ulo ko! at ramdam ko pati tainga ko ey!!!
Mga demonyong bubuyog!!!
Mga animal eyyyy!!!
Ano bang gagawin ko!!! Nakita ko mga kasama koy nakahawak sa ugat sa ilalim ey, paano ga areh!!!
Wala akong mahawakan!!!
Inay!!!! Lilitaw nanaman akohhhh!!!
"Nyahhhhhhh!!!! " sigaw ko ng makita ako ng mga bubuyog!
Susugod nanaman!!!!
Inay!!!!
Sabay lubog ko.
Problema ngay nalitaw nanaman ako!!!! Ahhhh!!!!
Ng may biglang may humawak ng ulo ko at inilubog ako!!!!
Aba'y kagaling pero hindi naman na ako makahinga!!!
"Blurkkkk bluuurkkk!!! "
Inay may pumapatay sakin!!!!
Ang dami ko ng naiinom na tubig!!! Abay di na kakayanin ng tiyan ko!!!!
Inay!!!!
Ala ey papatayin na ako ng animal na humahawak sa ulo ko!!!!
Sino gah arehhhh!!!?
Di ko na kaya!!!
Mumultuhin kitang putang *nang animal ka kung sino ka man!!!
Nawawalan na ako ng hangin at dumidilim na ang paligid ko....
Paalam sa inyo inay....
Ganire pala ang mamamatay na. Kasakit sa puso....
Di ko alam kung naging mabuti akong anak ey....
Mamamatay na akong walang asawa... Kasaklap gah...
Pero--- Alay....
Abay di ko aakalain na sa kabilang buhay ko pa makikilala ang magpapatibok ng puso ko eyyyy!!!
Napakagandang binibini!!! Iniirog ko na areh!!!
Kaya laang napakaagresibo!
Ala eyy ako pay unang hinahalikan!!! Kasarap ng labi.... KA lambot eyyy....
Deni kaya sa kabilang buhay ay kailangan pang mamulungan!?
Paano gah areh? ako pa laang ang patay sa amin!?
Buhay pa ang inay at itay, paano kami mamanhikan!?
"Hoy!!! Pablo!!! Abay gising na!!! Tarantado ka ey! Sumusubra ka na!!! "
Aba teyka! boses ng itay!