CHAPTER 9

1247 Words
AZA POV Alerto si papa at mama sa pagbabantay kay Absko kayat sa unang pagkakataon yata ay papalpak kami ni Aldric. Hindi namin makuha ang kapatid ko dahil ayaw nitong sumama sa amin. Tusong bata si Absko na nakikipaglaro samin pero kapag kukunin mo na ay umiiyak. Ang sarap kagatin. Ang arte! Kay mama at papa lang talaga ito sumasama. Napakalukong hilaw na kano. Problemado na tuloy si lolo kung papaano nya makukuha si bunso. Kahit kasi si mama ay lumalaban narin kay lolo. Katwiran ni mama ay siya na ang magsasanay sa kapatid ko at for self defense lamang. Huwag ng isali sa organisasyon ng pamilya si Absko. Kung baga ay ibalato na sa pamilya Smith si Absko. Kaya ako at si Aldric ay kusang nagdesisyon na wag ng ituloy na kunin si Absko. Kahit si Absko nalang sa amin ang maging normal ang buhay. Susuportahan na namin si papa at mama. Pero si lolo ayaw patalo. Naniniwala talaga akong makukuha ni lolo si Absko, desperado yun eh. Isang Linggo lang din ang inilage namin sa bahay at nagpaalam kaming pupunta ng Batanggas. Pumayag naman sila at mga sanay na talagang wala kami sa tabi nila. Pero ang daming bilin ni papa kay Aldric para sakin. Salubong na nga ang kilay ni Aldric. Hindi parin sila nagbabago. Ang haharot parin. Sa harap parin namin naghahalikan. Kakaaduwa. Pati si Absko nahagikhik sa pinaggagawa nila. Masayahing bata. Pero ang dalawa... Ang tatanda na eih! Naglalampungan parin. Kami na ang nahihiya para sa kanila. Minsan naman parang pusa si papa, ang ingay. Asot pusa na kung tumatagal. Kakainis din si papa dahil pinasilab lahat ng dress ko. Bawal daw akong magsusuot ng sexy dress. Fuck naman, buong training mga panlabang damit ang kasuutan ko, tapos ngayon lamang ako magsusuot ng ganun. Tsk! But anyway, ang ipinalit naman na mga kasuotan sakin ni papa ay di naman kasamaan. More in leggings na makakapal na black. Flexible para sakin to move. Pants black na good for mission. Tukong at mga damit na longsleeve. Basta mahahaba ang manggas pero siempre stylist ako, I can manage. Sakto lang rin lahat ng kasuutan ko sa bundok na pupuntahan namin. "Impaks! " dinig kong tawag ni papa kay mama. "Paks, yung extra clothes ni Absko nasa black bag, baka makalimutan mo!" "Hawak ko na Ty kanina pa!!! Ang kulit! Ilang beses mo ng sinabi yan! Paulit-ulit! Ginagawa mo na akong utusan animal ka! " "Baby naman, hawak ko si Absko.... " "Pesteng yawa ka! Ako na sa bata tarantado ka! " "Paks naman... Sorry na,... Galit ka na agad, ako na magdadala nyan. Tara na..." Bilis mapaamo si mother... Tsk! pinisil lamang ang ilong gehhhh bigay agad. "O kayong dalawa, mag-iingat kayo ha. Aldric yang kapatid mo, huwag na huwag mong hahayaan na may didikit diyan. At pagkatapos ng pamamasyal nyo, umuwe na kayo! " Ang ingay ni papa. Ako nanaman. Mas lalo syang umingay ngayon. Pero tahimik at suplado kapag maraming tao. At isa pa nga pala ay hindi kasi alam ni papa na baka kami tumagal sa Batanggas. Gubat kaya yun. "Yeahhh pa, just go na po. Ako na ang bahala kay Aza. Si Absko nalang po ang intindihin nyo, may nakasunod nanaman po sa inyo oh. " ani ni kuya na itinuro ng nguso ang kinaroroonan ng tauhan ni lolo. "Putang nang ! Nasaan na!!!? " sabay kuha ng kanyang armalite. Napatawa kami ni Aldric. Bigla kasing namula ang mukha ni papa. Kakaawang papa eiiih. At dito ko narinig ang sunod sunod na putok. Natumbok nya. Bwahahahaha! Si Absko tuwang tuwa sa tunog ng baril. Naku, alam na this. Nasa dugo na talaga kahit anong gawin ni papa na iiwas. Pagkaalis nila mama at papa, kami naman ang umalis. Halos maligaw pa kami ni Aldric sa pasikot sikot. Hanggang sa natagpuan narin namin ang b****a ng Barangay Sagana. Liblib ang kanilang lugar pero napakaaliwalas. Mabundok ngunit may kapatagan sa ibabang bahagi. Malapit din sila sa dagat at may mga fishpond rin sa paligid. Sa madaling salita. Nalinang ng maayos ang kalupaan dito dahil sa marami ring mga pananim. Nakapasok ang aming sasakyan dahil sa Ranger ang dala namin na panlaban sa malubak na daanan at minsan maputik pero hindi na papasok dahil babagtasin nanamin ang tulay na kawayan. Nakahang sya sa ereh. Sinadya maaari para kung mataas ang tubig may madadaanan. Napakarelaxing na agad dito. Itinabi na namin ng dala naming sasakyan at sukbit ko na ang aking packbag. Dahil sa magpapanggap kaming turista, si Aldric ang boss ko. Assistant nya ako. As in, photographer, camera woman harhar!! Exciting eiiihh!!! Pero kung sa ilalim kami dadaan ay maaari siguro na no need walking. May nakita kasi akong dumaan na kalabaw na may paragos. Ang dami kasing pasikot sikot. Sakto na lamang at may makakasabay kami na apat na kalalakihan. Kumukuha na ako ng magagandang view gamit ang aking Nikon D850. May pagkabundok na kasi itong pwesto namin at tanaw mo na ang tanawin. Simpleng longsleeve na puti ang suot ko at leggings na itim. "Good afternoon ka-i-bi-gan!" bating katangahan na agad ni Aldric. Hehe feeling may accent. Aldric is good in tagalog na dahil samin ni lola. "We are looking for Ka-pi-tan Lor-lan Ma-li-wa-gan!? " "Hehe " Parang taeeeh! Napatawa ako pero di ako nakatingin sa kanya dahil napatalikod na agad ako. Kaya lang narinig nya ata yung paghagikhik ko kaya sinipa nya ako. "Nyahhhhhh! " reklamo ko na tawang tawa parin. Napatingin tuloy sakin yung magsasaka. "Ala eyyyy , kagandang binibini eyyyy!" dinig kong sabi nung isa. "Ala, tumahimik nga kayot nakakahiya!" "Hindi naman nila tayo maiintindihan! Humahanga laang naman eh. " "Eh kahit na gah. Pumirme na laang kayo at maging maginoo." "Magkasintahan kaya sila!? Magkamukha ano... " At sa tanong ng kasamahan nila ay napatingin sila samin. Kakatuwa ang mga ito at parang maeenjoy ko ang pagpapanggap na hindi sila naiintindihan. Nginitiaan ko sila na naging dahilan kung bakit hindi na sila mapalagay. "Ayyyy kasarap ngumiti ey!!! Ako yata'y nasa alapaap na! Nginitian ako! " kinikilig na ani pa nung isa kung kayat tumikhim na si Aldric at sinamaan naman ako ng tingin. "Kapitan Lorlan Maliwagan!? " ulit ng isa, ng mahimasmasan. Nakakatuwa talaga ang pinoy sa probinsya. Kapag may bisita na foreigners at nginingitian ay well appreciated na agad nila yun. "Yes! " At nakita ko nalang na nag-anyaya na itong sundan namin sila. Mabilis silang maglakad at hindi kami magpapahuli ni Aldric dahil sa bundok din kaming nagtraining. Inasikaso na agad kami ni Kapitan Lorlan na tinatawag nilang Ka Loloy. Pinaupo kami sa upuang kawayan at nakakatuwa. At kitang kita na agad sa kinaroroonan namin ngayon ang mansion ni King David na nasa itaas ng bundok. May fishpond na sinadya sa gilid ng bahay. "Wait my son. " ani lang nito at panay ang pagbow. At dito ko na sila narinig mag-usap. Ibinaba na namin ang gamit namin sa gilid at itinabi ko narin ang camera. "Pinakaun mo na gah si Pablo, Perla, ako'y matutuyuan na deni ng dugo. Mauubusan na ako sa magkapatid na areh. Ala ey kukunte laang ang alam ko sa english. " Parang hindi yata maganda na magpanggap pa kaming di sila naiintindihan. "Parating na yuon mahal. Ah teyka, yaan na ata sila Nicolo!? Pero... teyka-ano gang!? " - Ka Perla "Oh eh bakit tumatakbo!? Bakit ang dami nila!!!? " Naging alerto kami ni Aldric. "f**k! " sabay naming bigkas ni Aldric. "Inang!!!!! Amang!!! " "Inay!!!" At sabay naming hinila ang dalawang matanda na tumalon sa fishpond.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD