CHAPTER 8

1111 Words
PABLO POV "Ka Pablo!- Pablo!!! " "Ooohhhh!!! " Anak ng kalabaw! Ala eyyyy! Si Empoy yuon. Kababata ko. Ano nanaman gang irereport neri sa akin at ganire nanaman ang pagmamadali ey! Para gang napakaimportante at sinadya pa ako dine sa taniman. "Pablo!!!! " isa pang tawag niya. Ey kabinge gah!!! Sumagot na nga ako ey gusto pang paulit ulit!!! Ka Pablo ang tawag ng mga kababayan ko deni sakin gawa ng ang sabi ng inay ay nagmumukha raw akong mamah ng tingnan dahil gah sa haba ng buhok ko at ang itim ko pa. Ala ey walang kaso sa akin yuon. Ang importante eh mala Ruben Padilla ang dating. Areh pang bigote ko ohhh, kagwapo ko kaya! Babae na nga ang pumipila sa akin ey. Kagandang lalaki ko kaya! Isa pay wag laang nila akong tawaging mamay, di na ako papayag at itim naman aring buhok ko! "Pablo, tigil ka muna! " Ang tang-inang areh, ako namay di nagalaw sa kinatatayuan ko ey akoy pinapatigil pa! "Tingnan mo areh! Madali ka! " Tarantado nga, wala pa naman inaabot sa akin eh! Anong titingnan ko. Kagaling naman ehhh, sa salumpwet pa ata itinago. Eh di amoy taeh na areh! kabastos gah! "Ako'y galing pang bayan Pablo. Ala ey nakita ko ga silang nagdidikit nire." at inabot na sakin ang puting kopon band. Sa wakas. "Bibili laang naman ako ng gamot ng tatay eh.... Gawa ng may ubo't lagnat! Ehhhh nabasa ko gah areh. Tama gah ang pagkakaintende ko? IF YOU WANT TO LIVE LONG, DON'T TAKE DRUGS! Abay gusto ko pang mabuhay ang tatay!!!! " Nanlalaki pa ang mata ni Empoy niyan! "Ay oo nga naman! If you want to live long, don't take drugs! - Sa tagalog, kung gusto mong mabuhay ng matagal, wag kang iinum ng ipinagbabawal na gamot! Kagaling mo talaga Empoy eh ano! " Taas kilay ko pa yan ha. Di ko lang alam kung akoy naintindihan neri. "Oh digah nga tama ako! Putang inang gamot yuon, nakakamatay pala! Inutusan pa ako ng nanay bumili ey! Abay gusto na ata niyang mamatay ang tatay! " Ala ey namutla na agad sa galit areng anak ng kalabaw. "Ako'y may tanong. Ala ey sagutin mo laang ng maayos ha!" Seryoso ko gang sabi. "Oo bay sige. Wala namang masamang magtanong ey. Libre pa. Ano gah yuon!? " "Ang tatay mo gah ay nagshashabu? Nagmamariwana!? Naghihithit!? " At deni ko nakita na umusok ang ilong sa akin ey! Nanlisik pa ang mga mata! Ako'y nagtatanong laang. Tingnan mo areh! "Ayyyy Pablo huwag mong paparatangan ang tatay kong ganiyan! Ay kalinis ng budhi ng tatay ko ay ginaganyan mo! " Ala eyyyy akoy sinigawan na!!! "Ay katangahan mo ey! Ay sya!!! umalis ka na deni at baka ikaw ang hindi humaba ang buhay at mapatay kita! Bumalik ka na sa bayan at bumili ng gamot!!!" sigaw ko. Ay katangahan talaga ey!!! "Bakit ako gay pinababalik mo !? ey hindi na nga ako bibili! Hindi mo gah nabasa! Nakakamatay! Ikaw kaya ang patayin ko! " Ay animal na anak ng kalabaw! Ako pang tinakot eh ako nga areng may hawak na itak! "Eh katarantaduhan mo talaga! Ang tinutukoy diyan ay hindi yung drugs na medicine! Nakuha mo gah!? Mga ipinagbabawal na gamot yuon! Mga shabu! Halah segi! Bumaba ka na ng bundok at baka sakaling maabutan mo pang bukas ang botika! Ayyy naku Empoy! Yan na nga ang sinasabi ko ey! Reading without understanding! Kagaling mo rin ey!!! Baka ikay maitak ko pa!!! sya takbo !!! " At yun, nangangamot ang ulo na umalis. Katangahan talaga! Pinag-aaral abay katwiran ey, marunong na magsulat at magbasa ay tama na daw yuon. Yan na nga sinasabi ko sa kabataan!!! Marunong lang magsulat at magbasa ey pinagmamalaki na agad! abay segi ok laang na ganun kung may understanding. Alah ey paano kung katulad ni Empoy!? Naku poooo, pinapainit ang ulo ko!!! Sa amin dine sa Brgy. Sagana, ako laang ang nakapagtapos ng pag-aaral ng vocational ey. Ako laang kasi ang masipag pumasok ng school. Numero uno ako sa katalinuhan noon, akala nyo gah. Kahit ako ganire, ako ang takbuhan dine sa amin. Kalayo gah naman sa kabihasnan. Tatawid pa kami ng dalawang burol, makapag-aral lamang. Ako nga laang ang may kabayo sa amin dahil narin sa pagsusumikap ko. Wala kaming sasakyan dine at hindi naman uso sa amin yun sa hirap ng buhay. Ang ginagamit naming pantawid kalakal ay ang mga kalabaw namin at karetela. Ngunit dahil nga sa nakapag-aral ako ay marami akong diskarte sa buhay. Kaya nga nagkaroon ako ng kabayo. Syempre may bisikleta rin ako. Nasa bayan na ako pero napauwe ako deni dahil sa nagkasakit ang itay. Magbubukid na ako ngayon sa edad kong bente singko. Single and ready to mingle. Kahit gah hindi sa amin ang lupang aming sinasaka ay pinahahalagahan ko areh at ito lamang ang aming ikinabubuhay. Isa pa, mabait ang may -ari ng lupa dahil sa pinahiram niya samin at pinayagan pa kaming tumirik ng bahay deni. Tandang tanda ko pa ang matipunong kano na yun ey. Ako laaang ang nakakausap noon deni. Dumating sya deni ng siyam na taong gulang pa lamang ako. Dahil nga sa mahilig akong magbasa at masipag akong mag-aral noon kaya naman very good ako sa english. May pinansyal pang itinulong sa amin. Kaya nga ang tatay ko ang siyang tagapamahala deni eh. Di rin pinababayaan ng itay ang mansion nila Ginoong David Suirdic. Ayon sa taong yun ay hari daw siya ng bansang France. Naniniwala naman ako dahil sa maginoo talaga siya. Ang lawak ng lupaing areh na sumusukat ng 100 hectares. At dahil sa mahigit fifteen years na ang nakakalipas ay halos nasa tatlong daang pamilya narin kami deni. Kahit malayo sa kabihasnan, may sinasaka naman kami at ikinabubuhay. May maisan, palayan, niyugan, sari sari na kahit gulayan. Sariling diskarte, sariling angkat. Mahirap ang buhay deni pero di kami nagugutom. Guro din ako tuwing Sabado at Linggo dine sa amin upang maturuan ko yung mga bata kung paano gah magsulat at magbasa. Di pa kasi kami pinapansin ng gobyerno. Pinapansin lamang kami sa oras ng botohan. Si empoy. Sa akin natuto yuon. Kasarap ng buhay pag simple lamang eh. Kaya lang, ang tahimik naming pamumuhay ay ginambala ng mga d*monyo . Mga gustong pagharian ang aming teritoryo. Sinasabi nilang sa kanila daw areh. Pero di yun totoo kaya di kami umaalis. Isa sa mga demonyo na yun ay yuong Senator na nagkakainterest deni. Kalukuhan. Ang may karapatan lamang na magpaalis sa amin eh yuong may-ari. Magkamatayan na pero ipaglalaban namin ang aming karapatan!!!! "Pablo!!!!! Pablo!!!! magmadali ka denii!!!! tayo nat umuwe!! ipinapatawag ka na ng itay mo!!! May mga bisita!!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD