Tori’s POV
Pagsapit ng alas-siete ng gabi ay sinundo ako ni Karlos gamit ang sasakyan niya. Nagpaalam ako kina Nanay na dadalo ako ng birthday party pati na rin kay Papa Sebastian pero hindi ko sinabi na sa bar ang pagdadausan dahil alam ko naman na hindi nila ako papayagan.
Ngayon lang naman ako gumawa nang alam kong hindi magugustuhan ng mga magulang ko pero alam ko naman sa sarili ko, na hanggang doon lang iyon at hindi ako susubok nang mas ikakasira ng buhay ko saka gusto ko lang mapalitan ang masamang alaala ko sa bar noong ipinasok ako doon ni Israfel.
Masayang tugtugin ang sumalubong sa amin ni Karlos at sa isang mesa na pangmaramihan ang pwesto namin dahil nasa labing-dalawa ang sumama sa pag-imbita ni Lea sa kaarawan niya. May nakahanda ng inumin at pagkain sa mesa namin at nagsimula na rin silang kumain at uminom nang dumating kami kaya umupo na rin kami at inalok kaming uminom ni Lea pero pagkain na lang muna ang inintindi namin ni Karlos.
“Sa dance floor tayo, guys! Sayaw tayo!” aya ng isa sa kaklase namin na si Liza at tumayo pa saka sumayaw sa harapan namin na ikinatawa naming lahat.
Tumayo na rin ang isa naming kaklase na lalake na si Randolf at sumabay kay Liza na sumayaw kahit mukha siyang tanga sumayaw dahil umaalog ang malaki at bilog niyang tiyan. Palakasan na lang talaga ng kompiyansa at wala namang masama doon kahit ang samang tignan ni Randolf sa sayaw niya ay karapatan niya iyon lalo pa at para sa pagsasaya na rin.
Tumayo na rin ang iba at pumunta sa dance floor at kaniya-kaniyang sayaw na walang humpay.
“Gusto mo bang sumayaw?” tanong ni Karlos sa akin.
“P’wede naman,” nakangiting tugon ko.
Sabay kaming tumayo ni Karlos at nagpunta sa dance floor saka nakisabay sa pagsayaw sa mga nasa dance floor habang tumatawa. Natatawa ako kay Karlos dahil hindi siya ganoong kagaling sumayaw pero hindi naman masamang tignan. Mabuti na lang gwapo at maganda ang katawan kaya bawi na rin kahit walang talento sa pagsayaw. Mahilig talaga akong sumayaw at noong elementary ako ay inilalaban ako nila Nanay sa mga dance contest kaya lang hindi na ngayon dahil naging abala sa pag-aaral.
Nang mapagod kami sa kasasayaw ay umupo rin kami at sunod-sunod naman ang kaklase naming bumalik sa upuan at pinagpatuloy ang inuman at pagkain ng nakahain sa mesa.
“Uminom din kayo ni Karlos, Tori, kanina pa namin kayo napapansin na hindi umiinom! Nasa bar tayo para magsaya at kasama na ang paglalasing kaya dapat uminom kayo!” sita ni Billie sa amin.
Natawa naman si Karlos saka kinuha ang bote ng alak at nilagyan ang maliit na baso ng yelo at alak na kalahati lang saka ininom.
“Ayan, masaya ka na?” tanong ni Karlos nang makainom ng alak.
“Ikaw, Tori?” tanong ni Billie sa akin.
Napatingin ako kay Karlos at nagtatanong ang mga mata kung ayos lang ba sa kaniya na uminom ako.
“Hindi siya p’wedeng uminom ng marami kasi baka mapagalitan siya kaya isang baso lang at tama na ganoon din ako kasi magda-drive pa ako,” tugon ni Karlos kay Billie.
“Ang boring niyo naman!” tugon ni Billie.
Nilagyan muli ng alak ni Karlos ang basong ininuman niya na may yelo pa saka inabot sa akin at hindi na pinansin ang pagmamaktol ni Billie na mukhang lasing na. Naamoy ko ang matapang na amoy ng alak at napangiwi ako dahil palagay ko ay mapait iyon. Kaya lang ayoko namang magmukhang KJ sa mga kaklase ko kaya iinumin ko na lang.
Inilapat ko na ang baso sa labi ko nang magulat ako at mapatili nang may humawak sa pulsuhan ko kaya nahulog ang baso ng alak na hawak ko at natapon ang iba sa damit ko dress na suot ko.
“Sinong may sabing p’wede kang uminom ng alak at pumasok sa ganitong lugar?” galit na tanong sa akin nang humawak ng pulsuhan ko.
Kahit ang mga kasama ko ay nagulat at napatingin sa nagsalita at pumigil sa akin uminom at may mga dumating saka umupo sa upuan katabi ng iba kong kaklase.
“Hello guys,” nakangising bati ng isa na walang iba kundi si Draco at ang pumigil sa aking uminom ng alak ay si Israfel.
Kompleto sila ngayon pero wala lang si Diego at ang iba ay umupo na sa upuan na katabi ng kaklase ko. Nagulat talaga ako dahil ibang bar ngayon kung nasaan ako sa bar na dating unang bar na pinasukan ko kung saan ako dinala ni Israfel.
Pag-aari rin ba ni Nyx ang bar na ito kaya nagkataon na nandito rin sila kung nasaan kaming magkaklase? Bakit hindi pumasok sa isip ko na maaaring magkatagpo kami ni Israfel dito ganoon din ang mga kaibigan niya?
“Hindi ba lahat kayo ay nag-aaral sa University na pag-aari ng pamilya ko?” tanong ni Draco sa mga kaklase ko.
“O-opo,” nauutal na tugon ni Liza.
“Mukhang nagkakasiyahan kayo kanina pa. Alam ba ng mga magulang niyo na nandito kayo?” tanong muli ni Draco.
Halatang kinabahan ang lahat kong kaklase kahit ako dahil iba ang pagpapaalam ko sa mga magulang ko at kapag nalaman nilang nasa bar ako ay pagagalitan nila ako lalo na ng mga Nanay ko. Kinuhaan kami ng litrato ni Kaan dahilan para magulat kami at mas lalong kinabahan.
Bigla na lang akong hinila ni Israfel dahilan para mapatayo ako at pumatong sa sofa saka tumawid mismo sa sandalan ng sofa para makatabi niya.
“Ginagastusan ka ng pamilya namin tapos ganito lang ginagawa mo?” galit na tanong sa akin ni Israfel at mas idinikit ako sa katawan niya.
“Anong ginagawa mo?” galit na sigaw ni Karlos dahil sa ginawa ni Israfel sa akin. “Bitawan mo nga si Tori!” utos pa niya kay Israfel.
“Who are you to command me?” galit na tanong ni Israfel kay Karlos.
“At sino ka rin para basta na lang hilahin si Tori at hawakan nang ganiyan?” galit na tanong ni Karlos kay Israfel.
“T-tama na!” pigil ko sa dalawa saka pilit akong kumakawala kay Israfel pero hindi niya ako binibitiwan. “Israfel, ano ba? Pakawalan mo ako!” galit ko nang utos sa kaniya.
Hindi na ako maaaring lagi na lang matakot at tumiklop dahil sa lalaking ito. Wala siyang karapatang kontrolin ang buhay ko dahil hindi ko naman siya kaano-ano.
Mukhang dahil sa sinabi ko ay lalong nagalit si Karlos at lumapit na sa amin saka kenwelyuhan si Israfel.
“Let her go!” galit at matapang na utos ni Karlos.
Binitiwan ako ni Israfel pero napasigaw ako at kahit ang iba kong kaklase sa sumunod na ginawa ni Israfel. Mabilis ang kamao niyang sumuntok sa mukha ni Karlos, na hindi napaghandaan ng huli kaya bumagsak si Karlos. Aawatin sana ng mga lalake kong kaklase kaya lang humarang ang mga kaibigan ni Israfel.
“Huwag na kayong makealam pa kung gusto niyo ng katahimikan sa buhay,” mahinahong banta ni Logan habang nakatayo sa mga kaklase kong lalake.
Walang silang nagawa kundi umupo na lang. Mabilis kong nilapitan si Israfel at hinila ko ang damit niya saka malakas na sinampal sa mukha.
“Hayop ka talaga!” galit na sigaw ko.
Masama akong tinignan ni Israfel saka hinawakan ako sa braso at kinadkad palapit sa mga kaibigan niya saka tinulak kay Kaan kaya napaupo ako kandungan niya pero umurong siya para makaupo ako sa upuan.
“Hawakan mo siya at huwag mong pakakawalan!” utos ni Israfel kay Kaan.
Tumango lang si Kaan saka hinawakan ang dalawa kong braso at lumakad na naman palapit si Israfel kay Karlos. Sumugod na si Karlos pero nakailag si Israfel at nasuntok na naman si Karlos.
“Woah!” sigaw na nasisiyahan ni Draco.
Tatayo sana ako para pigilan si Israfel kaya lang ay pinigilan ako ni Kaan.
“T-tama na! Israfel!” sigaw ko.
Tumayo muli ang mga kaklase ko kaso tumayo si Draco.
“Subukan niyong tulungan ang kaibigan niyo at makigulo sa away nila ay mapapaalis talaga kayo sa school!” banta ni Draco.
“P-pero—“
“Upo!” sigaw ni Draco.
Muli ay napaupo na naman ang mga kaklase ko at bakas ang takot sa mga mukha ni;a.
“Bakit hinahayaan niyo ang kaibigan niyo? Mali ang ginagawa niya!” galit na tanong ko kina Draco at Kaan.
“Walang mali kapag kami ang gumagawa ng gulo,” nakangising tugon ni Nyx.
May mga dumating na bouncer para sana umawat kaya lang sinenyasan ni Nyx na huwag nang makisali kaya umalis na ang mga ito. Napasigaw ako kahit ang mga kaklase ko, nang kumuha ng bote si Israfel at hinampas sa ulo ni Karlos at duguang bumagsak si Karlos sa sahig na duguan ang ulo at bugbog-sarado.
“Karlos!” umiiyak na sigaw ko.
Tumayo si Midnight. “Tapos na ang palabas,” mahinahong sabi niya na parang walang nangyari. “Umuwi na kayo at kalimutan niyo ang nangyari ngayong gabi dahil kapag lumabas ito at kumalat sa school ay ganiyan din ang mararanasan niyo at mapapaalis kayo sa school. Siguro naman hindi niyo gugustuhing mawala sa school at hindi na maka-enroll pa sa iba.
“Kaya naming gawin iyon at higit pa sa inaasahan niyo ang kaya naming gawin kaya matakot kayo at walang lalabas sa nangyari rito, okay?” banta ni Midnight sa mga kaklase ko.
“O-opo,” napipilitang sagot ng kaklase ko.
“Kami na ni Logan ang bahala sa isang ito na dalhin sa Ospital,” sabi ni Nyx saka lumapit sila kay Karlos at pinagtulungan patayuin.
Napatakip ako ng bibig nang makitang kahit ang mukha ni Karlos ay duguan na at gustong-gusto ko siyang lapitan pero hindi ako hinahayaang makawala ni Kaan. Umalis na sina Logan at Nyx kasama si Karlos at masama ang loob kong tumingin kay Kaan.
“Akala ko, mabait ka? Kagaya ka lang din ng mga kaibigan mo na masama ang ugali!” galit kong sabi sa kaniya.
“Sorry, Victoria,” tugon ni Kaan saka napakamot sa batok.
“Umalis na kayo!” utos ni Israfel sa mga kaklase ko at wala silang nagawa kundi magsipulasan ng alis habang nag-aalalang nakatingin sa akin.
“Bitawan mo na ako! Aalis na rin ako!” galit na sigaw ko.
Lumapit si Israfel sa akin saka hinila ang braso ko patayo galit akong tumayo at muling sinampal sa mukha si Israfel.
“Wala kang kasing-sama! Pati ang taong walang kinalaman sa galit mo sa akin ay dinamay mo!” galit na sigaw ko sa kaniya.
“Kasalanan mo ang lahat nang iyon, Victoria! Dahil hinayaan mong mapalapit ang lalaking iyon sa’yo!” galit na tugon ni Israfel sa akin.
“Hindi lahat ng napapalapit sa akin ay idadamay mo sa galit mo sa akin! Sa akin ka galit kaya huwag mo silang pakealaman!” sigaw ko.
Hinawakan ng isang kamay ni Israfel ang baba ko. Mahigpit at masakit pero hindi ko ininda at ipinakita ko sa kaniya na galit na galit ako sa kaniya kahit tumutulo ang mga luha ko sa mga mata.
“Hindi ko hahayaang maging masaya ka sa ibang lalake, Victoria! Kagaya nang ginagawa mo sa akin at sa Mama ko, ay sisirain ko rin ang mga lalaking magpapasaya sa’yo at hinding-hindi ko hahayaan na makuha ka nila! Pag-aari kita simula nang tumapak ka sa bahay namin at nagpakilala kang anak ng Papa ko!” puno nang poot na tugon ni Israfel sa akin.
Nagulat ako sa sinabi ni Israfel na pag-aari niya ako.
“Akin na ang susi ng kwarto sa taas ng bar ni Nyx, Midnight,” sabi ni Israfel.
“P’wede mo nang gawin ang gusto mo at hindi ka na namin pipigilan dahil nasa legal na edad na iyan si Victoria,” nakangising sabi ni Midnight saka may inihagis si Midnight na sinalo ni Israfel saka hinila na ako paalis doon.
Nagpapalag ako pero anong magagawa ko sa lakas ni Israfel halos hindi ko nga mahila ang sarili ko habang kinakaladkad niya ako palakad. Naguguluhan ako sa sinabi ni Midnight pero hindi ko na inisip kung ano iyon dahil ang gusto ko, ay makawala ako sa kamay ni Israfel.
“Bitiwan mo ako, Israfel!” sigaw ko.
Hindi niya ako pinakinggan sa halip ay may dinaanan kaming mahabang hallway sa bandang likod ng bar at sa dulo niyon ay may elevator pero may nagbabantay at hindi naman naging sagabal ang nagbabantay na dalawang lalake dahil hinayaan lang nila si Israfel na isakay ako sa elevator kahit pa nanlalaban ako. Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto ng elevator saka muling hinila ako ni Israfel at isang pinto ang nilapitan namin at binuksan niya iyon gamit ang susi na hawak saka tinulak ako papasok sa loob ng kwarto.
Malaking kwarto iyon na nagmukhang condo dahil may sala, kusina at dalawang pinto na sa tingin ko ay kwarto o hindi kaya ay banyo at may mga appliances na halatang mamahalin lahat.
“Bakit mo ako dinala rito? Hindi ka pa ba nakontento na sinira mo na ang kasiyahan namin ng mga kaklase ko at sinaktan mo ang taong pinapahalagahan ko?” galit na sumbat ko sa kaniya.
Ngumisi si Israfel. “Sa susunod naman na pipili ka ng lalake iyong sisiguraduhin mong kaya kang ipagtanggol sa akin. Nakita mo naman na wala siyang nagawa nang bugbugin ko!” nang-aasar na tugon niya.
“Wala ka nang pakealam kung sino man ang lalaking gusto ko! Tigilan mo na ako, Israfel!” sigaw ko.
Lumapit si Israfel sa akin kaya napaatras ako. “Sinabi ko na sa’yo na pag-aari kita kaya bakit kita titigilan?” tugon niya.
“Hindi mo ako pag-aari!” matigas na tugon ko.
“Victoria, akin ka at wala ka nang magagawa pa!” diin niya saka mabilis na binuhat ako na parang sako ng bigas at mabilis na dinala sa loob ng kwarto.
Nagpapalag pa rin ako at napasigaw ako nang hinagis niya ako sa malambot na kama. Unti-unting tinanggal ni Israfel ang butones sa suot niyang polo dahilan para kabahan ako nang sobra.
“Siguro naman ngayon ay p’wede na dahil hindi ka na minor,” sabi niya sa akin na nakangisi.
“H-hindi mo p’wedeng gawin sa akin ang gusto mong gawin—“
“P’wede at kaya ko!” putol ni Israfel saka tuluyan nang nahubad ang suot na polo.
Tatakbo na sana ako kaso mabilis na nadaganan ako ni Israfel sa kama kaya nagsisigaw na naman ako habang sapilitan niyang hinuhubad ang suot kong dress. Narinig ko nang napunit niya na ang dress ako at nakita ko na lang na hinagis niya iyon kung saan.
Tanging dalawang saplot na panloob na lang ang suot ko habang umiiyak na akong nagpapalag.
“Ito ang parusa mo sa pakikipaglandian sa ibang lalake at sa pagpasok mo sa bar kasama siya,” sabi ni Israfel at hinalikan ako nang maalab sa labi.
Nawalan na ako ng pag-asang makawala pa kay Israfel kaya napaiyak na lang ako habang patuloy siya sa paghalik sa labi ko.
Sa ganito bang pagkakataon ko mararanasan ang unang pagkabasag ng kabirhinan ko? At si Israfel pa ang magiging una ko? Siya na nga ang unang halik ko pati ba naman ang makakakuha ng kabirhinan ko ay siya pa rin? Bakit siya pa sa dinami-dami ng taong alam kong mamahalin at rerespetuhin ako?