Chapter 1
14 years ago...
Tori's POV
Walang pigil ang mga luha sa mga mata ko habang nakikita ko ang pagbaba ng kabaong ni Mama sa ilalim ng lupa. Tahimik na lang akong umiiyak hindi katulad noong pinaglalamayan pa si Mama ay walang humpay ang paghagulgol ko habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Mama. Napagod na ang boses ko dahil namaos na ako at wala nang lumalabas na boses sa bibig ko sa walang humpay na paghagulgo. Hindi lang na lang sa pagkawala ni Mama ang iniiyakan ko ngayon kundi dahil sa pagkawal ng nag-iisang taong nagmamahal sa akin, karamay ko sa lahat ng bagay at ang nag-iisa kong kapamilya.
Ulilang lubos na ako sa batang edad at hindi ko alam kung saan na ako mapupunta. Tanging ang kasama ko lang nang mawala si Mama dahil sa sakit sa pusong matagal na pala niyang iniinda ay ang dalawang matalik na kaibigan ni Mama na sina Tita Isabella at Tita Amaya, sila ang dumadamay sa akin sa pagluluksa ko at hindi nila ako iniwan.
Tuluyan nang nabaon sa lupa ang kabaong ni Mama at tinakpan na rin iyon ng lupa pero nandoon pa rin ako at walang tigil ang mga luha ko sa pagtulo kasama sina Tita Amaya at Tita Isabella. Hindi ko kayang umalis kaagad dahil hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang mundo na hindi kapiling ang Mama ko.
“Mama, paano na po ako?” tanong ko habang nakatitig sa libingan ni Mama.
Ngayon lang ako nagtanong kay Mama nang ganoon nang panahong nasa Ospital at pinaglalamayan namin siya.
Naramdaman kong niyakap ako at nang tignan ko ay si Tita Amaya iyon na puno nang lungkot sa mga mata.
“Hindi ka namin pababayaan ng Tita Isabella mo. Tutuparin namin ang pangako namin sa Mama mo na kapag nawala siya at mapupunta ka sa amin at kagaya nang turing namin sa’yo nang buhay pa ang Mama mo ay hihigitan pa namin ngayon dahil kami na ang pangalawa mong ina,” sabi ni Tita Amaya sa akin.
Napahikbi ako.
“Kaya nga, Tori. Huwag mong isiping nag-iisa ka na lang dahil nandito naman kami ng Tita Amaya mo. P’wede mo kaming tawaging Mama o hindi kaya ay Mommy at sa bahay ka na namin titira,” sabi naman ni Tita Isabella.
“S-salamat po,” umiiyak kong tugon sa kanila.
Niyakap na rin ako ni Tita Amaya saka hinimas ang likod ko.
“Hindi kami magiging perpektong ina kagaya ng Mama mo at hindi ka rin magkakaroon ng ama dahil nga hindi kami mahilig sa lalake ng Tita Amaya mo pero gagawin namin ang lahat para maging ama at ina para sa’yo kagaya ng ginagawa ng Mama mo,” sinsirong sabi ni Tita Isabella.
Napangiti na ako kahit pa may mga luha sa mga mata ko saka niyakap si Tita Isabella kasunod ay si Tita Amaya. Malaki ang tiwala ni Mama sa dalawa niyang kaibigan at lumaki ako na kasama sila at napakabait din nila sa akin. Hindi ko pa naiintindihan ang sinasabi ni Mama na mag-asawa sina Tita Amaya at Tita Isabella dahil ang alam ko ay lalake at babae lang ang p’wedeng magpakasal pero wala naman akong nakikitang masama sa kanilang dalawa at nararamdaman kong hindi naman nila ako pababayaan.
Hindi na rin nagtagal ay umuwi na kami sa bahay namin ni Mama at inayos ang mga gamit na dadalhin ko sa magiging bagong tahanan ko. Kinabukasan ay nag-aayos ako ng mga gamit ko sa kwarto nang makarinig ako ng nagsisigawan sa labas ng bahay kaya mabilis akong lumabas at nakita ko sina Tita Amaya at Tita Isabella na may kausap na lalake sa labas ng bahay.
Malakas ang boses ni Tita Isabella habang si Tita Amaya naman ay parang inaawat si Tita Isabella.
“Hindi ko naman ilalayo sa inyo si Tori, ang gusto ko lang ay hayaan niyong tustusan ko siya sa lahat ng pangangailangan niya at makasama ko siy. Makabawi man lang ako sa nagawa kong kasalanan kay Vienna,” paliwanag ng lalaking kausap nina Tita Amaya at Tita Isabella.
“Hindi na kailangan dahil kaya naman naming tustusan ang lahat ng pangangailangan ni Tori!” mariing desisyon ni Tita Isabella.
“Gusto ko lang bumawi kay Tori. Matagal kaming hindi nagkita ni Vienna at kahit si Tori ay hindi ko nakita pagtapos ngayon wala na si Vienna ay ipagkakait niyo rin sa akin si Tori? Magkakaibigan naman tayo kaya bakit ipagkakait niyo si Tori sa akin?” nakikiusap na sabi ng lalake.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at mabilis akong bumaba ng hagdanan saka lumabas ng bahay at tumitig sa lalaking bisita namin ngayong umaga. Isa matangkad na lalake na may maamo at pinakagwapong mukha na nakita ko sa buong buhay ko saka naluluhang lumapit sa lalake.
“P-Papa, ikaw ba iyan?” naiiyak na tanong ko sa lalake.
Hindi ko kilala ang lalake subalit palagay ko ay siya ang Papa ko dahil dumating siya ngayong wala na si Mama at gusto niya akong makasama. Naiyak akong lumapit kay Papa saka niyakap siya na halos bewang lang ang naabot ko dahil sa tangkad niya.
“Papa, wala na si Mama, bakit ngayon ka lang nagpakita?” umiiyak na tanong ko sa kaniya.
Lumuhod si Papa saka hinawakan ang balikat ko at inihiwalay ako sa kaniya saka tinitigan ang mukha ko na punong-puno nang awa sa emosyon niya. Hinaplos ni Papa ang pisngi ko saka niyakap din ako nang mahigpit.
“Sorry kung ngayon lang ako dumating,” puno nang lungkot na sabi niya sa akin.
“Papa, ang tagal kitang inantay,” umiiyak na sabi ko kay Papa.
Narinig kong napaiyak na rin si Tita Amaya habang si Tita Isabella naman ay napabuntonghininga lang.
Mayamaya ay pumasok na kami sa bahay at nakaupo ako sa sala katabi si Papa habang sina Tita Amaya at Tita Isabella ay nasa harapan namin. Hindi ako umaalis sa tabi ni Papa at masayang-masaya ako na kasama ko siya ngayon at gusto niya akong makasama.
“Payagan niyo sana akong makasama siya kahit isang linggo. Bakasyon naman ngayon kaya hindi maaapektuhan ang pag-aaral ni Tori. Gusto ko lang makasama ang bata kahit saglit na panahon lang,” hiling ni Papa kina Tita Amaya at Tita Isabella.
“Tita Amaya at Tita Isabella, payagan niyo na po akong makasama si Papa,” hiling ko sa kanila.
“Sebastian, pinapaasa mo naman ang bata. Alam mo naman na hindi ikaw—“
“Hayaan na lang na muna natin siyang isipin iyon na ako nga—“
“—sa ngayon ay hayaan niyo muna akong magpakaama sa kaniya at mapasaya siya lalo pa at nawala na si Vienna sa buhay niya. Hindi naman magkalayo ang bahay natin at doon niyo rin naman ititira si Tori, hindi ba?
“Isang linggo ko lang siyang makakasama at saka ko siya ihahatid sa inyo pero hindi doon matitigil ang pakikipag-communicate ko sa bata. Gusto kong hayaan niyo akong tustusan ang mga pangangailangan niya hanggang sa paglaki niya kagaya ng gagawin niyo rin sa kaniya.
“Hindi lang kayo ang may responsibilidad sa bata. Mayroon din ako lalo pa at kaibigan ko rin si Vienna at alam mong may malalim din na namagitan sa amin ng kapatid ni Vienna,” sabi ni Papa.
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nina Papa at Tita Amaya pero hindi naman nawawala sa paniniwala ko na Papa ko ngayon ang kasama ko at gusto niya akong makasama.
Israfel POV
Dumating si Dad na may kasamang batang babae na naging dahilan kaya nag-aaway ngayon sa kwarto ang mga magulang ko. Sumilip ako sa nakaawang na pinto ng kwarto nina Dad at Mom at nakita ko kung paano umiyak si Mom habang pinapalo sa dibdib si Dad, nakadama ako ng awa kay Mom at imbes pakinggan pa ang pag-aaway ng mga magulang ko ay mabilis akong naglakad paalis doon at lumakad pababa ng hagdan ng bahay.
Naabutan ko ang batang babae na nakaupo sa sofa sa sala habang amaze na amaze na umiikot ang mga mata sa malaking sala namin. Nilapitan ko siya at masamang tinignan.
“Hello,” nakangiting bati sa akin ng bata.
“How old are you?” tanong ko sa bata.
“Ha?” nagulat na tanong niya sa akin.
“Hindi ka ba nakakaintindi ng English?” inis na tanong ko sa bata.
“Nakakaintindi pero ‘konti lang kasi elementary pa lang ako, eh. Pero naintindihan ko ang tanong mo,” nakangiting tugon niya sa akin.
Napansin ko ang dimples niya sa dalawang pisngi at mas naging cute siya dahil sa dimples niyang iyon.
“Twelve years old na ako saka ako nga pala si Victoria Martinez, Tori ang palayaw ko—“
“Bakit ka dinala ni Dad rito sa bahay namin?” putol kong tanong sa batang babae na Victoria pala ang pangalan.
“Dad mo rin si Papa? Ibig sabihin kapatid kita?” gulat na tanong ni Victoria at nanlalaki ang mga mata saka mayamaya ay napangiti.
Nagulat pa ako nang sugurin niya ako ng yakap at nagtatalon pa sa tuwa nang humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
“May kapatid na rin pala ako! Kuya ba kita kasi mukha ka namang mas matanda sa akin, eh?”
Itinulak ko si Victoria pero hindi naman iyon naging dahilan para matumba siya pero nagulat siya sa ginawa ko at nawala ang ngiti sa labi.
“Hindi kita kapatid! Hindi magkakaroon ng anak sa labas ang Dad ko dahil hindi siya magtataksil sa Mom ko kaya huwag mong tinatawag na Papa ang Dad ko at umalis ka na rito sa bahay namin dahil pinag-aaway mo lang ang mga magulang ko!” galit na sigaw k okay Victoria.
“P-pero Papa ko rin siya—“
“Hindi! Huwag ka ngang mag-assume na Papa mo ang Dad ko! Umalis ka na rito!” galit na sigaw ko muli sa kaniya saka nilapitan at hinila na ang braso ni Victoria at planong kaladkarin siya palabas.
“Israfel!” galit na sigaw na ikinalingon ko.
Si Dad na pababa ng hagdanan at nagmamadaling lumapit sa akin saka hinila si Victoria at itinago sa likod ni Papa.
“Bakit pinapaalis mo si Tori? Sino ka para gawin iyon?” galit na tanong ni Papa sa akin.
“Siya ang dahilan kaya kayo nag-aaway ngayon, Dad! Sinasabi pa niyang Papa ka niya samantalang hindi naman iyon totoo!” katwiran ko.
“Ano man ang problema namin ng Mama mo ay labas ka na doon, Israfel. You are only sixteen years old to take part in our problem!” matigas na tugon ni Papa sa akin.
“Who is that kid? Is she your daughter, as she said? Did you betray Mom and have a relationship with that girl's Mom?” sunod-sunod na tanong ko kay Dad.
“I told you not to get involved in our problem!” tugon ni Papa.
“Ayoko nang batang iyan! Ialis mo siya rito dahil hindi ko matatanggap na kapatid ang batang sisira ng pamilya natin!” sigaw ko kay Dad.
Malakas na sampal ang natamo ko kay Dad na ikinagulat ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Victoria habang nakatingin sa akin at humapdi ang pisngi ko sa sampal ni Dad.
“Kuya? Daddy?”
Tawag ng pangalawa kong kapatid na kadarating lang na nakasuot pa ng jersey kasama ang bunso kong kapatid at halata sa mga mukha nila ang gulat dahil mukhang nasaksihan nila ang ginawa ni Dad na pananakit sa akin.
“I will never like and accept that girl, Dad! And I hate you too for hurting me just because of her!” galit na sabi ko kay Papa saka tumakbo ako paalis.
“Israfel,” tawag ni Dad sa akin pero hindi ko na pinakinggan.
Noon pa man ay masama na ang loob ko dahil sa paglaki ko ay nakita ko na lang palagi na umiiyak si Mom. Hindi man sinasaktan pisikal ni Dad si Mom pero nakikita kong parang hindi rin niya pinapahalagahan si Mom at mas mahalaga sa kaniya ang negosyo kaysa sa asawa niya. Hindi ako naglalabas ng sama ng loob ko noon kay Dad at nagbubulagbulagan lang ako habang inaalo si Mom pero ngayong nagdala siya ng batang babae at sinasabi pa na anak siya ni Dad, na sa palagay kong dahilan kung bakit nag-away ang mga magulang ko, ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at manahimik na lang.
Mas pinili ni Dad ang batang babaeng iyon at nagawa niyang saktan ako, na sarili niyang anak dahil lang sa batang babae na iyon. Hindi ko mapapatawad si Dad sa ginawa niya sa akin at kay Mom at kailan man ay hindi ko matatanggap ang batang babae na iyon. Galit ako kay Dad at galit na galit naman ako kay Victoria dahil dumagdag siya sa pasakit sa Mama ko at ganoon na rin sa akin! Kung kapatid ko man siya ay hinding-hindi ko siya matatanggap kailan man!