Chapter 9

2207 Words
Tori’s POV Nasa harapan ako ng bahay ng Jimenez family dahil nandito raw ang papeles at nasa opisina pero inutusan na raw ni Papa ang isang kasambahay na kunin iyon na nasa mesa lang naman ng opisina ni Papa para ibigay sa akin. Matagal-tagal na rin na hindi ako nakakapunta rito siguro iyong huli ay tatlong-taon o dalawa. Saglit pa palagi kasi ayaw ko ngang nagtatagal dahil kay Tita at Apollo na lagi na lang mukhang nabibwiset kapag nakikita ako. Nag-door bell ako at sumilip ang guwardiya at nang makita ako ay ngumiti dahil kilala naman na ako sa tagal na naninilbihan sa pamilya Jimenez. Binuksan niya ang gate saka ako pumasok. “Napadalaw ka, Tori?” tanong ni Mang Ismael sa akin na isa sa guard ng bahay. “May pinakisuyo lang si Papa na kunin ko at dadalhin ko rin sa sekretarya niya,” tugon ko. “Sige, pumasok ka na sa loob,” sabi ni Mang Ismael. Nakangiting tumango na lang ako kay Mang Ismael bago tuluyang pumasok sa malaking bahay ng mga Jimenez at pumasok na sa sala. Nakita ko ang isang kasambahay na naglalakad palabas ng bahay kaya sinalubong ko siya. Kilala ko rin naman kasi ang kasambahay na si Ate Sharmaine na dalaga pa lang ay dito na nagtatrabaho, “Ate Sha, may pinasuyo si Papa Sebastian, iyong papeles daw po,” sabi ko sa kaniya. “Ah, oo. Umakyat na po sa opisina si Danica sa para kunin iyon. Binilin din po sa amin ni Sir na pakain daw po namin kayo—“ “Hindi na. Katatapos ko lang din mag-agahan,” tanggi ko na kaagad. “Sayang naman. Nagpaluto pa naman si Sir ng espesyal na sopas para raw sa’yo. Wala namang ibang kakain niyon dito sa bahay kasi mga sosyal mga tao rito,” aniya. “Pinapakatakam mo naman ako, Ate Sha! Paborito ko ang sopas, eh!” sabi ko sa kaniya. “Kaya nga kumain ka na rin sa kusina,” nakangiting sabi niya. “Sige na. Pupunta na ako doon para makakain,” nakangiting tugon ko. Dumiretso na ako sa kusina at nang makita ako ng kusinera ay hinandaan kaagad ako ng sopas kaya umupo na ako sa upuan kaharap ng mesa. Napaisip tuloy ako sa itsura ko, kung mukha ba talaga akong gutom sa sopas dahil pagpasok ko pa lang ay sinandukan kaagad ako ng sopas ni Ate Carol kaya kinuha ko ang cell phone saka nagbukas ng camera para tignan ang sarili. Maganda pa rin naman ako at hindi mukhang gutom kaya nag-selfie na rin ako kasama ng espesyal na sopas na maraming hotdog, manok at may maliit na itlog pa. Ang sarap kaya lalo akong natakam. “What do I smell? Did you cook soup?” Halos mabulunan at naubo pa ako sa biglang nagtanong na iyon kasabay ng pagpasok niya sa loob ng kusina. Napatingin siya sa akin at nakita ko ang gulat sa mga mata niya na napalitan ng pagsalubong ng kilay. “Oh, tubig. Ang takaw mo naman kasi!” sabi ni Ate Carol saka inabot ang tubig. Kahit na-real talk na ako ni Ate Carol, ay ininom ko pa rin ang tubig para mahimasmasan ako. Hindi naman ako nabulunan sa katakawan, nabulunan ako dahil sa biglang pagsulpot ng gwapong lalake sa harapan ko. Walang iba kundi si Israfel na ngayon ay salubong ang kilay na nakatingin sa akin. Bakit hindi ko ba naisip na baka nandito ang lalaking ito? Sakto naman na pumasok si Danica saka lumapit sa akin at inilapag ang papeles na nakalagay sa envelop. “Ayan na po, Ma’am, ang ipinapakisuyo ni Sir,” sabi ni Danica sa akin. Kinuha ko na iyon saka inipit sa braso ko. “Salamat. Aalis na ako,” sabi ko at nagmamadaling lumabas sa kusina na hindi man lang tumingin kay Israfel. “Ma’am, teka—“ Hindi ko na pinansin pa ang tumatawag sa akin at nagmamadali akong lumabas ng bahay pero nagulat ako nang may humarang sa dadaanan ko at isang matangkad na tao kaya napatingala ako. Si Israfel. Hinabol ako. “B-bakit po?” tanong ko. “Papeles lang pinapadala sa’yo ni Papa, hindi ba? Why are you even carrying a bowl and spoon?” tanong niya sa akin na ikinagulo ko. Inginuso niya ang hawak ko at nanlaki ang mga mata ko dahil hawak ko pala ang mangkok na may lamang sopas na nangangalahati na at nandoon at kutsara. “Hala! Ang tanga!” bulalas ko. “Who? Your bowl and spoon?” tanong ni Israfel na nakataas ang kilay. Inabot ko na lang kay Israfel ang mangkok. “Pakidala na lang sa kusina. Salamat,” sabi ko at nang tanggapin ni Israfel ay mabilis akong naglakad paalis. “Nagmukha akong patay gutom sa sopas! Nakakahiya!” sigaw ng isip ko hanggang sa nakalabas ako ng gate at saktong may dumaan na taxi kaya pinara ko na saka sinakyan. Israfel’s POV Nakatingin lang ako sa mabilis na paglalakad ni Victoria palapit sa gate hanggang sa nakalabas na siya at nawala na sa paningin ko. Hawak ko ang mangkok na nadala niya nang hindi namamalayan sa sobrang pagmamadali. Victoria still hasn’t changed, she’s still beautiful and even more so now that she’s matured. Inosente pa rin ang mukha niya pero ibang-iba naman sa ginagawa niyang pakikipagrelasyon kay Dad. I felt even angrier, and I remembered what Mom had said. Gusto ko pa rin mag-imbestiga kung totoo ba ang sinabi ni Mama at ng kapatid ko na gustong ipamana ni Dad ang lahat ng ari-arian kay Victoria. Hindi sa hindi ako naniniwala kay Mom at Apollo pero mas magandang makasigurado ako bago ako kumilos. I went inside the house and put the bowl that Victoria gave me in the kitchen first, then ate some soup and went secretly to Dad's office, then quickly went to his computer and opened it. May password pero madali lang iyon para sa akin at hindi pa umabot ng isang minuto ay nabuksan ko na iyon saka binuksan ang mga files ni Papa. Nabuksan ko na ang lahat at puro dokyumento naman iyon para sa kompanya subalit may isang papeles na nagtataka ako na may password din. Nakakapagtakang iyon lang ang may password at palagay ko, ay ayaw ni Dad na mabuksan iyon nino man maliban sa kaniya. Dahil alam kong importante iyon ay hindi ako nag-alinlangan na buksan ang files na at kahit may password, ay mabilis ko lang nagawan ng paraan kaya nabuksan ko rin ulit. My fist clenched when I saw the contents, and now the anger I felt for Dad and Victoria intensified. Lahat ng papeles ay patungkol sa ibang ari-arian naming pamilya na ipapangalan ni Dad kay Victoria. Nakita kong may isang beach resort, restaurant at bahay sa isang mamahaling subdivision na binili si Dad at kay Victoria niya ipinangalan lahat, na alam kong hindi alam ng mga kapatid ko kahit siguro ni Mama. Or maybe Mom already knew why she was hurt and tried to commit suicide. Mabilis kong pinindot ang print button para magkaroon ako ng copy. Habang inaantay kong ma-print lahat ng papeles na nasa files ay binuksan ko ang mga cabinet ni Papa sa mesa at nakita ko, na may mga flyers doon sa isang beach resort kaya kinuha ko iyon kasabay ng paglaglag ng maliit na folder sa sahig. Yumuko ako at kinuha ang brown envelop saka binuksan iyon at mga litrato iyon na puro si Papa at Victoria. Nakaakbay si Papa kay Victoria sa ilang mga litrato at may iba pa, na nakayakap si Victoria mismo kay Papa at mukhang sa isang beach resort ang kinaroroonan nila. May kuha pa, na sa isang restaurant at kumakain silang dalawa, sa mall na namimili sila na selfie nilang dalawang. Nakayakap si Victoria sa braso ni Papa habang masayang-masaya naman ang ngiti nilang dalawa sa litrato. Kung nakita ni Mom ang lahat ng litratong ito ganoon din ng mga papeles talagang masasaktan si Mom dahil sino ba namang hindi masasaktan sa harasang pagpapakita nina Papa at Victoria ng paglalambingan nila sa maraming tao? Ang galit mula sa puso ko na matagal ko nang nilibing para kay Victoria nang umalis ako sa Pilipinas at nagpakalayo-layo ay bumabalik na naman at mas higit pa ito kaysa noong mga bata pa kami. Dahil ngayon ay nakikita ko ang mga ebedensiyang ito na dahilan kung bakit sobra-sobra nang nasasaktan si Mom dahilan para magtangka siyang kitilin ang buhay. When the copy of the files came out of the printer, I took the papers and then turned off the computer and the printer. Kinuha ko ang flyer sa isang beach resort dahil aalamin ko kung iyon ba ang beach resort na pag-aari ni Papa at pinuntahan nilang dalawa na mayroon pang litrato. Mag-iimbestiga ako para makasigurado na tama ang lahat ng nasa isip namin na may lihim na relasyon sila Papa at Victoria. Tori’s POV Matapos kong gawin ang ipinakisuyo ni Papa sa akin, ay umuwi na ako sa bahay saka nanood na lang ng movie. Wala akong planong lumabas ng bahay ngayong-araw at ang gusto ko ay magpahinga nang buong maghapon hanggang gabi. Stress ang ilang-araw ko kaya mas mabuting ipahinga ko ang katawan at isip ko habang nanonood ng kdrama. Habang nanonood ako, ay nagluto ako kanina ng pop corn kaya habang nanood at tumatawa, ay may kinakain na pop corn pero natigil ang panonood ko dahil may tumawag sa akin at ang matalik kong kaibigan na si Jade, ang tumawag. “Wala kang pasok ngayon hanggang bukas, hindi ba?” tanong niya kaagad na ipinagtaka ko. Wala ngayon ang mga kaibigan ko sa Pilipinas dahil pinili nila na sa ibang bansa magtrabaho, dalawang-taon na ang nakakalipas habang ako ay naiwan dito dahil hindi pinayagan ni Papa Sebastian na magtrabaho sa ibang bansa. Pumayag si Papa na huwag ako magtrabaho sa kompanya niya pero kapalit niyon ay hindi ako lalayo at dito lang din ako sa bansa magtatrabaho. Hinndi pa rin ako makatanggi kasi naawa ako kay Papa habang nakikiusap at kahit sina Nanay ay ganoon din ang pakiusap. Hindi ko naman daw kailangan ng malaking pera dahil wala naman daw akong tutulungan at pare-parehas na may trabaho ang mga magulang ko sala pamamanahan daw ako ni Papa Sebastian ng restaurant. Wala akong planong tanggapin iyon dahil alam kong magiging gulo lang sa pamilya niya iyon pero hindi ko pa nasasabi kay Papa dahil nasa mukha niya noong nag-uusap kami na desidido siya. “Hoy!” sigaw ni Jade sa akin. “Oh?” bulalas ko dahil nagulat akon sa sigaw niya. “Oo, weekends ngayon kaya wala akong pasok. Bakit ba? Mag-video call ba tayo?” tanong ko sa kaniya. “Magkita tayo—“ “Magkita? As if naman nasa Pilipinas kayo—“ Bigla ay natigilan ako sa pagsasalita at namilog ang mga mata. “Nandito kayo?” gulat na tanong ko. “Oo at nasa labas na kami ng bahay mo,” natatawang tugon ni Jade. Bigla ang pagtayo ko at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay saka binuksan ang gate at sumalubong sa paningin ko ang dalawa kong kaibigan na nakasandal sa SUV. “Surprise!” sabay na sigaw ng dalawa. “Lana, Jade!” masayang sigaw ko saka sinalubong ng yakap ang dalawa kong kaibigan. Masaya nila akong niyakap at tuwang-tuwa rin sila sa muli naming pagkikita. “Paanong nangyaring nandito kayo?” tanong ko. “Ikikuwento namin sa’yo ang lahat pero sa ngayon ay magpalit ka ng damit at aalis tayo,” tugon ni Alana. “Saan tayo pupunta?” tanong ko. “Sa isang beach resort at magba-bonding tayo doon,” masayang tugon ni Jade. “Nagpa-reserve na kami ng hotel room natin doon kaya bilis na! Magbihis ka na,” utos ni Alana sa kaniya. “Pumasok na muna kayo sa bahay,” aya ko. Naglakad na kami papasok sa bahay at dahil excited ako at nagmamadali na akong nagpalit ng damit, naghanda ng susuutin ko sa pupuntahan namin at pati swim suit ko ay hinanda at inilagay sa maliit na maleta bago pinuntahan ang mga kaibigan sa sala saka pinatay ang switch ng electricity sa bahay. Tuluyan na kaming lumabas ng bahay nang nasigurado ko nang lock na ang lahat ng pinto sa bahay. Nagbiyahe kami ng apat na oras higit pa, hanggang sa nakarating kami sa isang beach resort sa La Union at sa isang hotel kami dumiretso. Habang nasa biyahe kaming magbabarkada ay napagkwentuhan namin ang dahilan ng pag-uwi ng mga kaibigan ko sa Pilipinas. Matapos ang dalawang-taon na pamamalagi sa ibang bansa at pagtatrabaho at nakaipon ng malaking pera ay naisipan na nilang umuwi rito, for good. Magtatayo na lang sila ng negosyo at kahit ako ay gusto nilang maging business partner. Ituloy na raw namin ang plano namin noong mga bata pa kami na magtatayo kami ng negosyo na kaming tatlo ang may-ari. Ang saya-saya ko dahil kahit naiwan ako rito sa Pilipinas ay hindi nila nagawa akong kalimutan at gusto nilang magtayo kami ng negosyo na sama-sama. Hindi naman kami nagkalimutan noon pa man kahit nasa ibang bansa na sila at lagi kaming may komyunikasyon, ngayon ay naisip na nilang dito na lang sa Pilipinas ulit magtrabaho ay makakasama ko na sila muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD