Kinabukasan nagising ako sa alarm ng cellphone ko. I looked at the time. 8:00 am. Hindi talaga ito ang oras ng gising ko pero dahil alas nuwebe madalas lumabas ng apartment si Lizianna ay nag-set na ako ng alarm para makagayak at masundan siya sa unang trabaho. Napailing ako at napangiti. "Nababaliw ka na nga, Sancho." I get up and took a bath. Naghanda para umalis at sundan muli si Lizianna. "Boss, bibili po ba ulit kami ng mga bulaklak? saka ano po ang regalo ngayon? alahas po ba? suggestion po ni Kulto." Sinalubong ako ng isang tauhan ko. I was fixing my watch when he asked me. Napatingin ako ngunit hindi rin kaagad nagsalita. "Alahas--" napahinto ako nang mag-echo sa isipan ko ang boses ni Nnyx. "Why don't you test her?" I suddenly remembered everything that he told me. "Five

