Tahimik lamang ako sa sasakyan ni Riss hanggang sa maihatid niya ako sa aking apartment. Walang ibang maririnig kung hindi ang tunog ng aming mga yabag habang umaakyat sa hagdan. Nakakuyom ang aking mga kamay at kagat-kagat ko ang aking mga labi. Hindi na nagtanong pa sa akin si Riss kung sino ang lalakeng katatagpuin ko sa plaza. Wala rin naman akong balak na sabihin pa sa kaniya kung sino. Naninikip pa rin ang dibdib ko hanggang ngayon. Bakit? Bakit hindi ka dumating, Sancho? Napahinto ako sa aking paglalakad nang nasa tapat na kami ng apartment. Hinarap ko si Riss at tipid na nginitian. Nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Tinapik ko siya sa kaniyang balikat ng dalawang beses. "Salamat, ha? saka, mag-ingat ka pauwi." "Lili..." Tinawag niya lang an

