"Wow! bihis na bihis! pero gabi na, dalaga namin! saan ang punta?" Nakataas ang paa ni Tita Gemini sa bangko habang kumakain ng spaghetti. "Tita, nag-away kayo ni Tito 'no?" tanong ko. Pagganitong oras at narito siya ay tiyak nag-away sila ng asawa niya. “Naku, oo! Ayaw lumayas kaya ako ang naglayas!” “Kaya tuloy ubos na naman ang stocks natin dito,” iiling-iling na sagot ni Tita Morianne. Kaya naman pala. Lumapit ako kay Tita Rechie at ngumiti ako sa kaniya, "P-Puwede po na pa-makeup ako? h-hindi kasi ako sanay. Kahit light makeup lang po, tita." Nakita ko na nagkatinginan muna silang lahat. Si Tita Marjorie, Tita Morianne, Tita Gemini, Tita Rechie at pati si Tita Joi na nagtutupi ng kaniyang mga damit ay napatigil. Ibinaba ni Tita Gemini ang mangkok niyang may laman na spaghetti a

