Napakamot ako sa aking batok. Hindi ko naman intensyon na paasahin si Sancho. Inasahan ko lang na titigil na siya dahil nga binlock ko na rin ang numero niya. Kaso nagkamali ako. "Hindi ko po alam kung bakit hanggang ngayon ay nagpapadala pa rin siya ng mga bulaklak at regalo kahit hindi ko na siya nakakausap." Umiling si Tita Rechie. Parang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. "Lili, patuloy ang pagpapadala dahil interesado sa 'yo. Seryoso iyong tao. Gusto ka kaya kahit hindi kayo nag-uusap ay ito at hindi tumitigil. Naiintindihan ko ang ganitong ginagawa mo dahil ito ang unang beses na may lalakeng nagpakita ng interes sa 'yo, natatakot ka, hindi ba?" Dahan-dahan akong tumango sa tanong ni Tita Rechie. Marami rin ang pumasok sa isipan ko. Paanong ang isang katulad niya na sobrang

