Chapter 18

1558 Words

"Congratulations!" Gulat na gulat at napanganga pa ako nang pagbukas ko ng pinto ng apartment namin ay malakas na boses nila tita ang narinig ko. Napatingin ako isa-isa sa kanila. Si Tita Gemini, Tita Joi, Tita Lherma, Tita Amor, Tita Rechie pati si Tita Morriane na sa trabaho na natutulog at madalang magpakita sa amin ay nandito! ano ang nangyayari? Bakit narito sila ngayon? Ano ang mayroon? Kauuwi ko lang rin galing sa paglilibot namin ni Riss at ang sinabi ko na alas tres ay hindi natuloy. Alas singko na ngayon ng hapon. Ang huling pinuntahan namin ay sa haunted house. Hindi na ako nagyaya pa sa ibang lugar dahil sinabi ko kay Riss na biglang sumama ang pakiramdam ko. "Lizianna." Napapikit ako sandali ng mariin nang marinig ko ang boses ni Sacho. "Tita, sino po ang may birthday?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD