Ano kaya ang nasa isip ng lalakeng iyon? siguradong siya ang nagpapabalik sa akin dahil natapos naman ang paglilinis ko sa kwadra. Isa pa, siya na ang amo ni Roberto. Hindi na iyong dati na nakausap ni Tita Rechie. "Ay, ipapatawas ka namin! ito ang unang beses na tumanggi ka sa trabaho! ano ga ang nangyari, ha? may nangyari ba?" Sunod-sunod ang ginawa ko na pag-iling. Nanunuri ang tingin ni Tita Joi at Tita Rechie sa akin. "Nangako po ako, tita, 'di ba po at day-off ko bukas? saka, nakausap ko po sila nanay na magbi-video call kami pag namasyal ako tiyak po na tatanungin nila ako." Napagdikit ni tita ang kaniyang mga palad nang marinig ang sinabi ko. Totoo naman iyon. Saka… iyon na nga rin, ayoko nang bumalik doon dahil baka kung ano pa ang singilin sa akin ng lalakeng iyon. "Ay, oo n

