"May problema ba, Lili? parang hindi ka mapakali?" Napainom akong muli ng tubig nang maalala ang menshae ni Sancho. Sinusundan niya ba ako? p-pero paano niya nalaman na nandito ako sa parco? saka alam niya kung saan ako nakatira? t-teka, bakit niya ba ito ginagawa? Dahil lang tinanggihan ko ang paglilinis sa villa niya? Ang dami kong tanong na gusto kong masagot agad! Ginugulo na naman niya ang isipan ko! "A-Ayos lang ako, Riss." Kumuha ako ng clubhouse at kumagat doon. Ano naman kaya ang nais ng lalakeng iyon sa akin? at bakit pati si Riss ay binanggit pa niya? ano naman kung ang-e-enjoy ako na kasama ito? s-saka bakit ba ginugulo na naman niya ako! kinakalimutan ko na nga iyong ginawa niya! Iyong parusang halik daw niya! "Oo nga pala, Lili, sa susunod na linggo baka gusto mo na m

