Chapter 63

1190 Words

LUMIPAS ang isang linggo at tuluyan nang nakalabas ng hospital si Gethca nang hindi pa niya nasisilayang muli si Thyrone. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nabalitaan at magmula nang araw na iyon ay wala na siyang nabalitaan pa sa asawa. Para sa kaniya ay tila isang napakasamang bangungot ang nangyari sa kanila. "Friendship, kumain ka na muna. Nagtatampo ako sa'yo dahil may hindi ka pa sinasabi sa akin pero ayos lang 'yon," panimula nito. "Huwag ka'ng masyadong magpaapekto sa nangyari, friendship. Tandaan mo, nandito pa ako." "Kasalanan 'to nina Ivory at Lei. Hindi sana nawala ang taong mahal ko.." Nagsimula na naman siyang umiyak kaya agad siyang niyakap ng kaibigan. Pero sandali rin siyang natigilan at napalingon kay Devine. "Dev, alam mo ba kung saan inilibing ang katawan ni Tyler?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD