MATAPOS ang madugong pangyayari ay mabilis na ipinagulong sa bangin ang katawan nila ng mga naiwang tauhan nina Lei at Ivory. Tanging ang mga di-umanong mga lalaki lang ang naging saksi sa pangyayari bago sila nito tuluyang iwan. Subalit sa kabilang banda ay hindi malaman ni Gethca kung saan pa nanggagaling ang sakit na dulot ng mga sugat na natamo ng kaniyang katawan, maging ang tama ng bala na tumama sa kaniyang tagiliran. Halos gapangin na niya ang kataasan ng bangin na pinaghulugan nila. Madamo at mabato ang pinagbagsakan niya. At hindi niya akalaing humihinga pa rin siya hanggang ngayon. Subalit, naiiyak naman siya habang patuloy na hinahanap ang katawan ni Thyrone. "T-tulong! Tulong!" umaasang sigaw niya. Na kahit halos mamatay na ay nagawa niya pa ring sumigaw para makahingi ng t

