Madeline Reyes Kasalukuyan siyang nasa garden at naglalakad habang sinasalubong ang pasikat na araw. Sabi kasi ng OB niya makakatulong para lalo lumakas si baby ang paglalakad lakad niya pero may kasama pa din pagiingat lalo at sensitive pa din ang pagbubuntis niya. Iniwan niyang tulog ang asawa at hindi na niya inabala pang gisingin pa dahil alam niyang pagod ito sa trabaho at ilang araw din itong kulang sa tulog sa pagaalaga nito sa kanila ni baby. Iniisip niya pa din ang pagiging tahimik na tila malalim ang inisip ni James. Ayaw naman niya itong tanungin dahil alam naman niya tungkol lamang iyon sa trabaho. Kahit siya pilit niya winawaksi sa isip ang mga napansin sa asawa dahil baka makaepekto pa sa kalagayan nilang dalawa ng baby. Kaya ng nakaramdam na siya ng pagod ay dahan dahan

