James Madrigal Hindi ko alam ang aking dapat maramdaman ng bumalik at nakausap ko si Melody. Alam ko naman sa sarili ko na nakapag move on na ako at mahal na mahal ko ang asawa ko. Pero may naiwan pala akong unresolved issue ng nakaraan kaya ngayon ito lumabas. Naitanung niya sa sarili bakit ngayon ito nangyari kung kailan masaya na siya, masaya na kami ng asawa ko. Bakit ngayon pa kung kailan maselan ang kalagayan ng mag ina ko. Puro bakit at bakit nalang. Dahil sa nagawa ko hindi ko naisip na may isang bata na sasalo ng sakit at hirap. Nahahati ang kanyang pagiisip kung aaminin ba niya kay Madeline ang lahat o magaantay ng tamang panahon para dito. Kasalukuyan siyang nakatigil ang kanyang sasakyan sa isang park habang malalim ang iniisip. Mahal na mahal niya si Madeline at ayaw niya i

