Madeline Reyes Naging tahimik ang loob ng sasakyan pagkatapos namin ng maihatid si Lani sa kanilang bahay. Halos nagpapakiramdaman kung sino ang unang magbabasag ng katahimikan. Mula ng sumakay kami ng sasakyan ay hindi na binitawan ni James ang aking kamay at panaka nakang hinahalikan ito. Kahit kasama namin si Lani sa sasakyan ay hindi nahihiya si James sa paghalik sa kanyang kamay. Nagulat siya ng biglang huminto sa gilid ng daan si James. Malayo pa naman ang daan pauwi sa kanilang bahay kaya nagulat ako kung bakit biglang tumigil siya sa alanganing daan. Kaya naman bigla akong napatingin sa kanya at nagulat ako ng bigla niya akong kinabig payakap sa kanya. “Is everything alright hon? Tell me what is in your head huh. At hindi ako sanay na hindi ako kinikibo ng asawa ko.” Sabi ni Ja

