James Madrigal Napangiti ako ng humgpit ang yakap sa akin ng aking asawa. Dito na kami sa yate nagpalipas ng gabi para makapagpahinga ang aking magina. Hindi ako makatulog dahil nababahala pa din ako sa huling sinabi sa akin ni Madeline. Hindi ko alam kung may alam na ba siya tungkol kay Melody at Janjan pero imposible dahil kinausap ko si Dad at ang mga kaibigan ko na wala munang babanggitin sa asawa ko dahil gusto ko ako mismo ang magsasabi sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Madeline. Mahirap siyang basahin. Kapag tinitingnan niya ako pakiramdam ko may gusto siyang itanung pero hindi niya masabi. Hindi na niya kailangan hilingin na sa kanila muna ako ng baby namin dahil wala naman siyang kaagaw kung anu man ang puwesto o posisyon nila ni baby sa buhay ko. Mula ng naging

