Madeline Reyes Maaga akong nagising ngayon at maaga daw kasi akong aayusan sabi ni Mama ng glam team na kinuha ni James para sa kasal namin. Yes it’s true after two weeks lang ito na at ikakasal na kami sa simbahan. Totoo ang sinabi ni Ms. Nicole sa akin na anything is possible when it comes to James. Grabe ang kaba ko mula pa kahapon ramdam buong katawan. Hindi nga ako gaano nakatulog dahil sa kaba at excitement. Buti na lang talaga nakisama ang mga babies ko at hindi ako inaatake ng morning sickness ngayong umaga. Excited na din ako para sa malaman ang gender ng babies ko. Actually ang alam lang namin ni James ay twins ang baby namin pero ang gender ay hindi namin alam. Kaya since si Ms. Nicole na ang aming wedding planner ay siya na din ang nagorganize ng gender reveal party namin

