Madeline Reyes I know nagkita na kami ng ilang beses, nagusap pero bilang isang estranghero sa isat isa. Pero ngayon ay iba na ang sitwasyon. She is my cousin in law according to her which is right. Kahit alam ko na ang lahat iba pa rin pala talaga kapag personal ko na siyang nakita. “Hon.” Tawag ni James sa akin na nagpapukaw sa aking atensyon. May kasama siyang isang lalaki na hindi nagkakalayo ang taas sa kanya, medyo humpak ang mukha pero nagpapamalas pa rin ng kaguwapuhan at authority na meron ang isang Madrigal. Maaaring ito na nga si Luke ang sinasabi niyang pinsan niya habang karga ang pamilyar na bata. Kaya naman nginitian ko ito at nagmamadaling nagpupumiglas para bumaba at tumakbo kung saan ako naroon. “Hi po ateng maganda.” Bibong tawag sa akin ni Janjan. Itinaas nito ang da

