James Madrigal. Bigla siyang nakaramdam ng pagalala ng makitang wala ang asawa sa loob ng sasakyan pagbalik niya galing sa pastry shop. Iniiwasan nga niya na mapagod at mainitan ito dahil madalas itong mahilo at sabi din ng Ob niya na kailangan pa din magdoble ingat dahil medyo risky na din ang pagbubuntis nito sa edad niya. Kaya naman agad niya itong tinawagan. Medyo kinabahan siya ng hindi nito agad sinasagot ang tawag niya. Kaya naman naiba na ang kanyang pakiramdam ng sinagot nito ang tawag niya at sinabing pabalik na ito. Agad niya itong sinalubong at pinagbuksan ang pinto ng sasakyan ng makita ito. Nakita niya ang pamumutla ng asawa kaya naman agad niya itong kinamusta at kinuha ang kanyang panyo para punasan ang pawis nito. “Where did you came from? Are you alright?” Sunod sunod

