Madeline Reyes. Pinili na niyang magpahatid sa kuwarto dahil medyo nakaramdam siya ng hilo nung maamoy niya ang amoy alak sa loob ng entertainment room kanina. Kaya naman agad naligo si James para mawala ang singaw ng alak na kumapit sa katawan niya at ininum niya. Bumaba ulit ito para kuhanan siya ng pagkain dahil nasabi niya dito na kaya siya bumaba kanina dahil bigla silang nagutom ni baby. Hinabilin niya rin sa asawa na huwag pauwiin ang kanyang mga kaibigan at ipahanda na lang ang guest room para magiging tulugan ng mga ito dahil mga nakainom na din ang mga ito at delikado para magmaneho. Hindi naman din nagtagal ay nakabalik na si James sa kanilang kuwarto dala ang pastang pinaluto niya kanina kay Manang. Binaba muna ni James ang dala niya tray aa lamesa at nilapitan siya nito at

