KABANATA XXXIII NATAPOS ang almusal na naging maayos naman ang lahat. Nagpaalam si Trina kay Kidlat, pero hindi man lang siya nito pinagbigyang umalis para iwan sila. Gusto kasi ni Thunder magtipon-tipon pa sila sa lanai. Nahihiya man siya wala na siyang nagawa kundi pumayag ng pamilya ni Kidlat. Isa pa nagpaalam na rin si Don Ignacio, kaya silang apat nalang ang siyang natira maliban kay Johan na may dalawang katiwalang nagbabantay dito sa may 'di kalayuan lang. Kung saan natatanaw naman nila. Nahihiya man siyang pabantayaan pa ito sa iba, wala siyang magawa ang mga ito rin ang siyang may kagustuhan. Hinayaan niya nalang besides hindi naman makulit na bata si Johan. Siya pa rin naman ang tinatawag nito kung may kailangan ito. "Johan, will be okay, " sabi sa kaniya ni Gail nang mapansi

