KABANATA 32 HINDI alam ni Trina, kung tama ba ang ginawa niyang pagsama sa dalawang katiwala nang sunduin siya nito sa silid nila ni Johan. Ayon sa mga ito, pinapatawag daw siya ni Thunder para sa salu-salu nila sa ibaba, kabilang si Kidlat. Hindi niya na nagawang tumanggi pa dahil alam niyang nagugutom na si Johan. Labag man sa loob niya ang pagsama sa mga itong walang patnubay mula kay Kidlat hindi na siya nag-atubili pa. "Huwag kang kabahan Ms. Trina, mabait naman si Sir Thundetr," sabi nito sa kaniya. Ngumiti siya ng pilit dito. Malapit na raw sila sa lanai na tinutukoy nito, sa likurang bahagi ng bagay kung saan may malaking swimming pool ayon sa mga ito. Hindi maiwasan ni Trina at Kidlat ang mamangha sa buong bahagi ng mansyon, napakaganda talaga ng paligid. Lahat halos ng ka

