CHAPTER 81 --- SINUNDAN ni Kidlat si Nica nang tumakbo ito palabas. Pinili niyang hayaan na lamang ang mga ito. Naiwan sa lugar na iyon si Chandra at Don Ignacio. Iniwas niya ang tingin kay Chandra. "Pwedi mo ng sabihin kay Trina ang lahat, Chandra!" untag ni Chandra na nagbigay ng pagtataka sa mukha ni Trina. Nilingon niya ito, naghihintay kung ano pa ba ang sasabihin sa kaniya ng nanay nilang halos hindi natinag sa kinatatayuan nito. "Don Ignacio---" "Alam ko na ang lahat ng totoo! Wala kang dapat ikatakot!" turan ni Don Ignacio kay Chandra na labis-labis ang katanungan sa isip ni Trina. Ano ang siyang pinag-uusapan ng mga ito? Ano ang alam ni Don Ignacio na dapat niyang malaman ayon sa lolo nina Kidlat. "Gusto kong ikaw mismo ang magsabi kay Trina. Alam kong maiintindihan ka n

