NAKARATING si Trina at Kidlat sa bahay nila pasado alas otso na rin ng gabi. Wala naman traffic, pero sadyang mabagal lang ang pagpapatakbo ni Kidlat. Hinatid siya nito sa silid nila ni Johan, inalok pa siyang maghapon muna, pero tumanggi na siya. Hindi naman kasi siya nakaramdam ng gutom, pag-alis kasi nila sa resort kumain ulit sila--- kasama si Nica at ang nanay Chandra niya. "Maiwan na muna kita, pero huwag kang mahihiyang tumawag sa akin kung may kailangan ka, Trina," bilin nito sa kaniya. "I will ho---" natatawa niyang sabi rito. Hindi naman kasi ganoon kahalata ang pag-aalalang nararamdaman nito para sa kaniya. "I have a great with you, Trin. Thankyou," sabi nito. Napangiti siya, kahit naman siya masaya siya sa araw na kasama ito. Nakakabigla nga at doon niya lang muli na

