CHAPTER 59 KABA ang siyang tanging nararamdaman ni Trina. Hindi pa rin kasi nagkakamalay si Johan at hindi niya na alam ang gagawin kung walang Kidlat sa tabi niya. Hindi pa rin ito umuuwi, buhat nang bumalik ito para sa kanilang dalawa. "Kain muna tayo." Napalingon si Trina rito nang bigla itong dumating galing sa labas. "Bumili ako ng pagkain sa labas--- naghahanap ako ng masarap pero ito lang ang siyang nakita ko," sabi nito sa kaniya, kasabay ang pagbaba ng isang supot ng isang sikat na fast food chain. "Mauna ka na, baka gutom ka na. Hindi pa rin naman kasi ako nagugutom," turan niya rito. Tiningnan lang siya ni Kidlat, kasabay ang siyang paglatag nito ng pagkain sa misang naroon sa tabi na dinala ng isa sa mga cleaner nagdaang gabi dahil sa request na rin ni Kidlat. "You're

