CHAPTER 58 HINDI makapaniwala si Chandra sa natanggap na masamang balita mula sa kaniyang anak na si Johan. Sinugod daw ito sa hospital, dahil bigla na lamang itong nahimatay sa villa. Ang sabi pa ng pinakiusapan niyang katiwala ng mga Paraiso wala pa rin daw itong malay hanggang ng mga oras na 'yon. Nakaramdam ng labis na kaba si Chandra lalo na para kay Trina. Kahit na alam pa niya kung gaano ito kalakas hindi niya pa rin maiiwasang isipin ang pangambang nararamdaman ng panganay na anak. May malubhang sakit si Johan at isa ito sa labis na pangambang nararamdaman niya ngayon. Paano na lamang kung sumama ang siyang lagay nito? Paano kakayanin ni Trina ang lahat. "Ma? What's wrong?" Tinangkang itago ni Chandra ang cellphone niya sa likuran niya, nang pumasok si Nica sa sarili nilang sili

